• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas inilusot ni Belangel

Pormal nang inangkin ng Gilas Pilipinas ang tiket para sa 2021 FIBA Asia Cup Championships sa Agosto sa Indonesia.

 

 

Salamat na lamang sa buzzer-beating three-point shot ni point guard SJ Belangel.

 

 

Ang triple ni Belangel ang nagtakas sa 81-78 panalo ng Nationals laban sa mga South Koreans sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga.

 

 

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Gilas at kauna-unahan laban sa South Korea matapos ang walong taon para banderahan ang Group A ng qualifiers.

 

 

Kinailangan ng Natio­nals na bumangon mula sa 17-point deficit, 16-33, sa second period para agawin ang 54-52, sa 1:48 minuto ng third quarter sa pamumuno nina Dwight Ramos at 7-foot-1 Kai Sotto.

 

 

Itinala ng Gilas ang 78-75 abante mula sa basket ni naturalized player Angelo Kouame sa huling 10.5 segundo ng fourth period na sinundan ng triple ni star guard Lee Hyun Jung para itabla ang Korea sa 78-78 sa nalalabing 2.9 segundo.

 

 

Kasunod nito ay ang kabayanihan ni Belangel, tumapos na may 12 points para sa tropa ni coach Tab Baldwin.

 

 

Pinamunuan ni dating PBA import at naturalized player Ricardo Ratliffe (Ra Gun-A) ang mga Koreans (2-1) sa kanyang 24 points at 15 rebounds.

 

 

Sa unang laro, tinalo ng China ang Japan, 66-57, sa Group B.

 

 

Sa Amman, Jordan, humataw si NLEX guard Jericho Cruz ng 20 points para tulungan ang Guam sa 112-66 pagmasaker sa Hong Kong at itala ang 2-1 record sa Group C katabla ang Australia at New Zealand na hindi lumahok sa third window.

Other News
  • Batas vs red tagging

    Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging.   “I agree with Sen.Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources  to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, […]

  • Bilang isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’: AI-AI, nagpakita ng suporta kay BETONG kaya sobrang na-touch

    NAGPAKITA ng suporta si Ai-Ai Delas Alas kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”.       Isa raw kasi ang Kapuso comedian-TV host na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kanya.       Sa Instragram, nag-post ng mensahe si Ai-Ai tungkol sa kabutihan ng […]

  • Ads January 4, 2020