3 sangkot sa droga kulong sa P238-K shabu
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang 38-anyos na byuda matapos makuhanan ng P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Francisco Larry, 46, tricycle driver ng C-4 Road, Brgy. Longos, Rainier Cagumoc, 18 ng Brgy. 118 Caloocan City at Joan Tan, 38 ng Kaunlaran St. Brgy. Muzon.
Narekober sa mga suspek ang aabot sa 35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P238,000 ang halaga at buy-bust money.
Ayon kay Col. Rejano, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Adonis Sugui ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Kaunlaran St. Brgy. Muzon dakong 12:30 ng madaling araw.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200. (Richard Mesa)
-
PBBM, nilagdaan na ang 2023 national budget
NILAGDAAN kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.268 trillion na panukalang national appropriations for 2023. Ito ang kauna- unahang budget sa ilalim ng administrasyong Marcos. Dadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng 2023 General Appropriations Act (GAA) sa Malacañang dakong alas-3 ng hapon ayon sa Palace advisory. […]
-
Posters sa private properties ‘di babaklasin kung batay sa adbokasiya – Comelec
HINDI babaklasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga poster ng sinumang kandidato na binayaran ng pribadong indibidwal at ipinaskil sa sariling property kung ginawa ito batay sa adbokasiya. Paliwanag ito ni Comelec Spokeperson James Jimenez sa Laging Handa public briefing, bilang tugon habang patuloy pa sa ginagawang Oplan Baklas operations sa mga […]
-
EJ Obiena muli na namang nakasungkit ng gold medal sa Germany
PATULOY sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany. Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si […]