• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.

 

 

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.

 

 

Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at nga­yong buwan din ay dara­ting ang mahigit 150,000 dose ng Sputnik V.

 

 

Bago matapos ang buwan ay matatanggap na rin ng bansa ang donasyong bakuna ng US at bubuhos din ang suplay sa Hulyo na aabot sa 12M dose.

 

 

Sa kabuuan, nakatanggap na ng 14,205,870 dose ng bakuna ang bansa na binili ng gobyerno at pribadong sektor kasama ang mga donasyon.

 

 

Ngayong Hulyo ay inaasahang darating ang 11,670,000 bakuna, kabilang dito ang 4.5 million Sinovac,1 million Mo­derna, 1 million Sputnik V, 1.17 million AstraZeneca na binili ng mga pribadong sektor at 4 million AstraZeneca o Pfizer-BioNTech vaccines mula naman sa COVAX facility.

Other News
  • Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan

    KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang larangan ay […]

  • Panukalang ‘rice tariff reduction’, pinalagan ni PBBM

    PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pansamantalang ipatupad ang  rice tariff reduction para tugunan ang pagsirit ng presyo ng bigas sa merkado.  “We decided with the agriculture and economic managers that … it was not the right time to lower the tariff rates because the projection of world rice prices is that […]

  • SARAH, strong, beautiful, powerful at superwoman ayon kay MATTEO; wish na magka-baby na sila

    SA tuwing magpo-post si Matteo Guidicelli tungkol sa wifey na si Sarah Geronimo, punum-puno talaga ito ng ka-sweet-an.     Sa 33rd birthday ng Popstar Royalty noong July 25, ipinakita na naman ni Matteo ang labis labis na pagmamahal kay Sarah.     Sa Instagram post niya, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside […]