• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust

MAHIGIT sa P.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na nadakma sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, alas- 9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at Tala Police Sub-Station 14 sa pangunguna ni P/Maj. Norbert Holman kontra kay Usodan Sultan, 31, (watchlisted- pusher) ng Riverside Phase 12, Tala sa Kaagapay Road, Brgy. 188 Tala. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Sultan matapos bentahan ng P34,000 halaga ng shabu si PCpl Jake Rosima na umaktong poseur-buyer. Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,000.00 ang halaga, isang tunay P1,000 bill na nakabungkos sa 33 piraso fake P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money. Nauna rito, alas-7:25 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Kaagapay Road din ang watchlisted-pusher na si Jeric Torres, 43 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Marben Wandag na umaktong poseur-buyer. Narekober kay Torres ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,00 ang halaga at P7,500 boodle/buy- bust money. Kasong paglabag sa Comprehen- sive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Muhammad in, Johnson out

    NAKATAKDANG palitan si Orlando Johnson ni Shabazz Muhammad bilang import San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elimination round.     Martes dumating ng ‘Pinas ang first round pick ng Utah Jazz sa 2013 National Basketball Association Draft na nakapaglaro rin sa Milwaukee Bucks.     Dalawang sabak pa lang si […]

  • Nasita sa city ordinance, binata buking sa shabu

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 […]

  • Mas magaling mandeadma kesa kay Lotlot: JANINE, waging Best Actress pero balitang break na sila ni PAULO

    EVENTFUL para sa amin ang November 26, 2023, Linggo ng gabi.     Sinamahan namin si Lotlot de Leon na pumunta sa Aliw Theater sa Roxas Boulevard para maging presenter sa 6th The EDDYS Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEED na karamihan sa mga opisyales at miyembro ay mga kaibigan namin.   […]