• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas

Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.

 

 

Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang ang dalawang panalo kontra sa South Korea,

 

 

“You look at these first three games and it’s really, really impressive for this team. This is really the next generation for me,” ani Alapag sa programang Smart Sports’ Hoops Life.

 

 

Subalit ibang usapan na ang World Cup na isang mataas na lebel ng kumpetisyon.

 

 

Personal na itong naranasan ni Alapag dahil bahagi ito ng Gilas Pilipinas na nagpasiklab noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

 

 

Malaki ang maitutulong ng PBA players partikular na sa leadership para lubos pang magabayan ang mga bagitong miyembro ng Gilas squad.

 

 

Ngunit ipinauubaya pa rin ni Alapag ang pagdedesisyon sa coaching staff na pinangungunahan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin na siyang kasalukuyang head coach ng koponan.

Other News
  • 4 kalaboso sa shabu at pagnanakaw ng mga cable wire

    ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagbabalat at nagpuputol ng mga ninakaw na cable wire ng isang telephone company kung saan tatlo sa mga ito ang nakuhanan ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang mga naarestong suspek na sina Lester Bernardo, 32, Joselito Samson, […]

  • INAGURASYON NI PBBM, KASADO NA

    KASADO na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) katuwang ng ilang ahensya ng gobyerno para sa inagurasyon ni  President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ayon kay MPD Director Brig. Gen.Leo Francisco, nasa final phase na at okay na lahat ng paghahanda para sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon.     “Final phase […]

  • Leni ‘di tatakbong Pangulo sa 2028

    KASABAY ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-mayor sa Naga City, nilinaw ni dating Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo na hindi na siya tatakbong muli bilang Pangulo ng bansa sa 2028 national elections.   Sinabi ni Robredo na sakaling manalo siya bilang mayor ng Naga City, hindi niya gagamitin ito bilang “jumpoff point” sa […]