• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;

KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA.

 

 

“This journey at the OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics (@occaoxford) is a journey of testing faith, delighting in God’s presence, enjoying fellowships, increasing knowledge, having meaningful conversations, discovering gifts, empowering opportunities, revisiting struggles, and gaining life-long friends,” caption ni Venus.

 

 

Ayon sa website ng OCCA: “OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics is a centre of excellence that seeks to launch emerging Christian leaders into effective evangelism marked by academic excellence and integrity of character. OCCA is a globally recognised independent study centre that brings together leading apologists and evangelists from a broad range of academic disciplines.”

 

 

Isang dahilan kung bakit hindi na tumatanggap ng mga showbiz or modeling projects si Venus dahil mas gusto na niyang magsilbi sa Panginoon.

 

 

Nakahanap daw siya ng fulfillment sa pag-share ng mga salita sa Bible sa iba’t ibang religious communities kesa sa maging aktibo siya sa mundo ng showbiz.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Eala inihalintulad kay Sharapova

    TUNAY na rising star si Alex Eala na namamayagpag sa mundo ng tennis.     Sariwa pa ito sa matamis na kampeonato sa pres­tihiyosong US Open juniors championships girls’ singles upang tanghaling kauna-unahang Pilipino na nagkampeon sa isang Grand Slam event.     Dahil sa kanyang ta­gumpay, kaliwa’t kanan ang magagandang komento sa Pinay tennis […]

  • MGA PASAHERO APEKTADO ng MALING IMPLEMENTASYON ng NCAP

    BAKIT tutol ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa maling implementasyon ng NCAP e hindi naman daw apektado mga pasahero ng public transport.   APEKTADO PO ANG MGA PASAHERO. UUBUSIN NG MALING IMPLEMENTASYON ANG PUBLIC TRANSPORT KAPAG HINDI ITO NAAYOS.   Bakit?   Hardest hit ng NCAP ang public transport. Kaya ang panawagan […]

  • Nadal nakapagtala ng record sa may pinakamatagal na pananatili sa ATP ranking

    Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.   Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa top 10 ng American Tennis Player sa 800 na magkakasunod na linggo.   Nagtala ng panibagong record si tennis star Rafael Nadal.   Ito ay dahil siya lamang ang unang manlalaro na pasok sa […]