SC kinatigan ang MMDA’s number coding scheme
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
Inayunan ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mga hakbang na makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila tulad ng number coding scheme.
Sa isang 28-pahina na desisyon na pinagbutohan ng lahat ng mahistrado ng SC, kanilang binasura ang petition para sa paghinto ng pagpapatupad ng number coding scheme na inihain ng mg drivers na sila Samson Pantaleon, Eduardo Tacoyo, Jr., Jesus Bautista at Monico Agustin.
Ayon sa SC, ang mga operators at franchises at hindi ang mga petitioners ang dapat na siyang partido sa nasabing kaso.
Pinahayag ng SC ang kaso noong November 17, 2020 subalit ang ruling ay nilabas sa publiko noong nakaraang June 11. Ang desisyon ay sinulat ni Associate Justice Marvic Leonen.
“The petitioners failed to present a factual foundation to rebut the presumption of validity of the challenged issuances, which were issued pursuant to the MMDA’s power to regulate traffic under Republic Act 7924 or the MMDA Law,” wika ng SC.
Ang mga nasabing petitioners ay sinita ang MMDA’s Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme na nakalagay sa MMDA Resolution No. 10-16 at Memorandum Circular No. 08, Series of 2010.
“The arbitrariness, oppressiveness and unreasonableness of the implementation of the issuances have not been sufficiently shown. The buses driven by the petitioners have not been totally banned from plying Metro Manila roads. However, as in private vehicles, the operation of public utility buses was regulated to ease traffic congestion,” dagdag ng SC.
Sa ilalim ng RA 7924, ang MMDA ay binigyan ng kapangyarihan na magayos ng trapik sa mga pangunahing lansangan at daanan sa Metro Manila.
Nakasaad sa memorandum of agreement na pinakasunduan sa pagitan ng MMDA at mga operators, ang mga buses ay partially exempted mula sa number coding scheme. Ang mga passenger buses ay kasama sa traffic scheme na nakalagay sa MMDA’s issuances kung kaya’t ito ang nagudyok sa petitioners na maghain ng kaso sa SC.
Ayon pa rin sa SC, ang MMDA’s issuances ay hindi nanghihimasok sa regulatory powers ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga pampublikong sasakyan.
Sa kasalukuyan, ang coding scheme ay nanatiling suspendido pa rin dahil sa pandemya. (LASACMAR)
-
Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang […]
-
Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO
MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan. Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan. Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga […]
-
Sinner pasok na sa finals ng US Open
Pasok na sa finals ng US Open si Jannik Sinner matapos talunin si Jack Draper. Naging matindi ang labanan ng dalawa kung saan nakuha ng top-ranked tennis star na si Sinner ang score na 7-5, 7-6 (3), 6-2 . Ang 23-anyos na Italian tennis star ay hindi na pinatawan ng parusa […]