• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games

Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.

 

 

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.

 

 

Sa isinagawang isang oras na virtual meeting ng mga miyembro ng SEA Games Federation ay desidido ang Vietnam na ituloy pa rin ito subalit maraming mga bansa ang hindi sang-ayon dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Itinakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ang SEA Games kung saan plano nila itong ilipat sa Hulyo 2022.

 

 

Nasa walong member countries naman ng SEA Games Federation ang sinubukang hikayatin ang Vietnam na ituloy ang nasabing torneyo.

Other News
  • Bawal ang pahinga kay EJ

    MULING  makakaharap ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sina world record-holder Mondo Duplantis ng Sweden at American Chris Nilsen sa Kamila Skolimowska Memorial sa Chorzow, Poland sa Agosto 6.     Kagagaling lamang ng 6-foot-2 na si Obiena sa makasaysayang bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Eugene, Oregon.     Lumundag si […]

  • Malakanyang, kinumpirma ang rekomendasyon ng VEP sa FDA na gamitin ang Sinovac sa mga senior citizens

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizens o mga indibidwal na may 60 taong gulang pataas.   Masusing tinalakay ng VEP ang usaping ito sa gitna ng kasalukuyang vaccine supply sa bansa.   “We hope that […]

  • CURFEW SA ADULTS INALIS NA SA NAVOTAS

    INALIS na ng Navotas ang curfew nito para sa mga adult kasunod ng ipinapatupad na General Community Quarantine alert level 2 sa Metro Manila.     Pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang bisa sa 12:00 MN – 4:00 AM curfew sa lungsod, alinsunod sa Metro Manila Development Authority (MMDA) […]