100 NAVOTEÑO FISHERFOLK NAKATANGGAP NG BANGKA AT LAMBAT
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco.
Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.
Nauna rito, 448 fisherfolk din ang nakatanggap ng 540 fishing nets na may iba’t-ibang sukat.
Ang mga benepisyaryo ng fiberglass reinforced plastic (FRP) boats ay sumailalim sa training sa boat construction, repair, at maintenance na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Matapos ang training, nagtayo sila ng kanilang sariling mga bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng pamahalaang lokal at 13hp engine, fittings, at iba pang gamit na ibinigay ng BFAR.
“We started the NavoBangka-buhayan program in 2018 in partnership with DA-BFAR and we saw how it helped our fisherfolk gain a sustainable livelihood. Hopefully, we will have our next batch soon,” ani Tiangco.
Ipinaalala din ng mambabatas sa mga benepisyaryo na tulungan panatilihing malinis ang kapaligiran. (Richard Mesa)
-
Top 6 most wanted person ng Mandaon, Masbate nalambat sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Mario Rubis, 43, tubong Mandaon, Masbate at residente ng […]
-
Notoryus snatcher nasakote sa Caloocan
Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) District Special Operations Unit (DSOU), agad naaresto ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante sa Caloocan city. Kinilala ni NPD-DSOU PMAJ Amor Cerillo ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art […]
-
Ads December 4, 2020