• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang players ng Gilas Pilipinas posibleng ‘di makapaglaro dahil sa injury

Nahaharap ngayon sa pagsubok ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia dahil sa pagkakaroon ng injury ni Dwight Ramos.

 

 

Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na mayroong groin strain injur si Ramos na kaniyang natamo sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

 

 

Umaasa pa si Baldwin na gagaling kaagad ang injury ni Ramos para makahabol sa paglalaro.

 

 

Ilan din sa mga players na kuwestiyonable rin sa paglalaro ay si naturalized center Ange Kouame na mayroong knee contusion at Carl Tamayo na nagtamo ng ankle sprain at ito ay nakuha noong FIBA Asia Cup qualifiers.

 

 

Unang makakaharap ng Gilas ang Serbia dakong alas-2:15 ng madaling araw sa Hulyo 1 at kontra naman sa Dominican Republic dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Hulyo 2, oras sa Pilipinas.

Other News
  • ‘Di na nasamahan ni Sen. CHIZ papuntang Paris: HEART, aminadong na-stress dahil ‘di na sanay na mag-travel na mag-isa

    NASA Paris na muli si Kapuso actress Heart Evangelista.      May caption siya sa Instagram niya bago siya umalis ng Pilipinas, “Saturday (so many typos sorry just so stressed) stressed Saturday because it’s my first time to travel by myself!! Anxiety level is high but my determination and higher!!”      Hindi kasi sanay […]

  • Pribadong kumpanya, maaaring humirit ng ‘cost reimbursement’ sa gobyerno para sa biniling COVID-19 vaccine para sa pamilya ng mga empleyado

    PINAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na humirit ng “cost reimbursement” para sa COVID-19 vaccines na kanilang binili para sa pamilya ng kanilang empleyado.   May ilan kasing kumpanya ang binalikat ang halaga ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa subalit hindi para sa pamilya ng mga ito.   “Ang polisiya po ng gobyerno, […]

  • ‘Dear SV’, magsisilbing tribute sa namayapang ama: SAM, inamin na okay pa rin ang relasyon nila ni RHIAN

    WALANG makapagdududa na ang mga magulang ay may mahalagang papel sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.  Ito ay ipinamalas kay Congresman Sam Verzoza Jr at sa kanyang mga kapatid. Ipinagmamalaki ng CEO at co-founder ng Frontrow International ang pagiging junior ng orihinal na SV na si Sam Verzosa, na pumanaw kamakailan. Inilalarawan niya ang kanyang […]