Zero allocation para sa gumagawa ng health supplies, PPEs sa ilalim ng 2021 nat’l budget – solon
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5- trillion proposed 2021 national budget.
Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.
Sa kanyang interpellation, pinuna ni Brosas ang aniya’y “inadequate” response ng pamahalaan sa pandemya at sa epekto nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kung siya lamang umano ang masusunod, nais din ni Zubiri na mabigyan ng subsidiya ang manufacturing sector tulad nang isinasagawa sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia, Europe o North America.
Maari sanang gamitin aniya ang subsidiyang ito bilang pambayad sa sweldo ng kanilang mga empleyado.
Gayunman, sinabi ni Zubiri na titiyakin niyang matutugunan ang concerns ni Brosas pagdating sa mga local manufactureres ng health supplies at PPEs.
Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program, ang DTI ay humihingi ng P22.4 billion na budget. (Daris Jose)
-
SHARON, nagbiro na handa nang kunin ni Lord ‘pag nakilala si KEANU REEVES; naglambing kina MANNY at JINKEE
NAALIW kami sa IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan pinasalamatan niya si Sen. Manny Pacquiao sa binigay nito sa inaanak na si Miguel na masayang-masaya. Caption niya, “My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so […]
-
Ilang airline companies nagkansela ng flight patungong Ukraine
NADAGDAGAN ang mga airline companies na nagkansela ng kanilang flights sa Ukraine dahil sa tumataas na tensiyon doon . Pinakahuling nagkansela ay ang Air France at German airline company na Lufthansa kung saan sinabi nila na ang hakbang ay bilang pag-iingat. Tiniyak ng dalawang airline companies na kanilang imomonitor ang kalagayan […]
-
Ads October 8, 2020