• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Multa o community service sa mga mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal –MMDA

PAGMUMULTAHIN o gagawa ng community service ang isang indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura sa estero, ilog at kanal na itinuturong dahilan kung bakit nagbabara ang mga pumping stations sa Kalakhang Maynila.

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos kung ang MMDA lamang ang masusunod ay ang kanyang mga nabanggit na kaparusahan ang nababagay sa isang taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

 

Iyon nga lamang, nais niyang magkaroon ng iisang patakaran ang lahat ng siyudad at bayan sa Kalakhang Maynila na magtatakda ng parusa sa mga walang disiplina.

 

‘Kung mahuhuli kang nagtatapon.. sige magwalis ka diyan kahit isang oras, linisin mo lahat o kaya ikaw ang maghango ng basura sa dagat.. sa river para maranasan mo naman kung paano maglinis ng ano? ,” ayon kay Abalos.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nang problema ang tambak na basura na bumabara sa mga pumping stations sa Kalakhang Maynila .

 

Ito ang itinuturong dahilan nang konting ulan lang ay bumabaha na agad.

 

Dahil dito, ang naisip na solusyon ng MMDA ay gamitan ng trash boom na magsisilbing pangharang para sa mga basura para hindi na umabot pa sa pumping stations.

 

 

Kamakailan ay naglatag ng trash boom ang MMDA sa Estero de Tripa de Gallina, sa Pasay City.

 

 

“We have to protect our pumping stations otherwise, kapag naka problema ‘yan talagang magkakaproblema tayo ng baha sa Kalakhang Maynila,” anito.

 

 

Samantala, tinatayang 32 tonelada ng basura ang nakukuha sa mga pumping stations kada taon.
May mga pagkakataon din ani Abalos na sumosobra na ang bara kaya nangyayari aniya ay bumibigay ang mga pumping stations.

 

Sa ulat, tatlo sa 8 unit ng Estero de Tripa de Gallina, pumping stations ang nasisira taun-taon dahil sa basura. (Daris Jose)

Other News
  • Tiniyak ni US Defense Sec. Austin: Washington, palaging susuportahan ang Maynila

    TINIYAK ni US Defense Secretary Lloyd Austin III kay Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. na palaging susuportahan ng Washington ang Maynila sa mga usapin na nakakapit sa  South China Sea, habang nagpapatuloy ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan.     “Austin hosted Marcos at The Pentagon tackling recent developments on expanding and modernizing bilateral defense cooperation “in […]

  • VIN at SOPHIE, aminadong ngayon lang nagsi-sink-in na magiging parents na

    BABY Girl pala ang magiging first baby ng mag-sweethearts na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.     Hindi naman kami nagulat dahil ang ganda at ang blooming na buntis ng Kapuso star. Aminado itong ngayon na lang talaga nagsi-sink-in daw sa kanilang dalawa ni Vin na in a few months ay magiging mga mommy […]

  • P2 taas pasahe sa jeep, aprub na ng LTFRB

    INAPRUBAHAN  na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep, habang […]