DISBARMENT KONTRA GADON, PINAG-IISIPAN
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
PINAPAG-ARALAN ng isang grupo ang paghahain ng disbarment at criminal charges laban kay Atty.Larry Gadon na namatay si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa impeksyon sa HIV,.
Ito ay kasunod din ng pagkondena ng HIV Advocacy Group sa naging naging pahayag ni Gadon kung saan sinabi umano nitong hindi nakarekober sa kanyang sakit ang dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa HIV.
Nagbabala naman ang Deparment of Health (DOH) na mag-ingat sa pagbibigay ng pahayag o impormasyon na may kinalaman sa HIV status ng isang indibidwal.
Ayon sa DOH, labag sa batas na ibunyag nang walang pahintulot , impormasyon na ang isang tao ay may AIDS, sumailalim sa kahalintulad na pagsusuri sa HIV, may impeksyon sa HIV o mga karamdamang may kaugnayan sa HIV o nalantad sa HIV.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act, ipinagbabawal ang pagsasapubliko ng impornasyon ng isang tao na may sakit na HIV at AIDS .
Gayundin ang mga nagpa-test, na-expose o nahawaan ng naturang sakit at mga nagpapagaling sa HIV.
Binigyan diin ng ahensya na ang iligal ang pagsasapubliko ng impormasyon ng isang tao na may HIV status nang walang pahintulot muna sa taong may sakit dahil ito ay sensitibo.
Maari namang makasuhan alinsunod sa batas ang mga lumalabag at mananagot sa mga parusang kriminal, administratibo at civil sanctions at penalties. (GENE ADSUARA)
-
Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque
NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw. “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang porsyentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]
-
Buhay ‘gumanda’ para sa 33% ng Pinoy, mas mababa pa rin vs pre-pandemic — SWS
MAS UMAYOS daw ang pamumuhay ng 33% ng Pilipino sa nakalipas na 12 buwan ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS), ito sa kabila ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ang ibinahagi ng survey firm nitong Martes. Nagmula aniya ito sa face-to-face interviews sa 1,500 katao […]
-
May ‘good vision’ kahit baguhan lang sa pulitika… ARJO, dream talaga na maging isang mabuting public servant
HINDI na bagito sa acting si Migs Almendras. May acting experience na siya sa pelikula, TV, teatro at commercials. Winner siya ng Best Actor Award mula sa ALIW para sa mahusay niyang performance sa stage play na ‘Under My Skin.’ Nakalabas na rin siya sa BL film na Hello […]