Pagbira ni Pacquiao kay PDu30, maling estratehiya- Sec. Roque
- Published on July 3, 2021
- by @peoplesbalita
MALING estratehiya ang ginagawa ni Senador Manny Pacquiao na pagbira kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lamang maging bukambibig ang pangalan nito hanggang sa halalan sa susunod na taon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gustong tumakbo sa pagka-pangulo ni Pacquiao.
“Pulitika po iyan ‘no, eh alam naman nating lahat gustong tumakbo ng presidente ni Senator Pacquiao. Sa akin po, hindi tamang istratehiya iyan kasi napakatagal naman pong nagsama si Senator Pacquiao at ni Presidente, at sa ngayon po, wala pa namang pinapangalanan pang tao ang Presidente na ieendorso niya para maging presidente sa susunod na halalan,” aniya pa rin.
“At paulit-ulit ko nga pong sinasabi eh ‘no, binanggit na ni Presidente isa sa tatlo na posible sana niya noon na i-endorso for president is Senator Manny Pacquiao, hindi ko po alam kung bakit hindi nakapaghintay si Senator Manny Pacquiao,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, “good for him” naman ang naging tugon ni Roque sa sinabi ni Pacquiao na dalawang bagay ang kaya niyang panghawakan at ito ay ang hindi siya tiwali at hindi siya sinungaling.
Nag-ugat ito sa naging hamon ni Pangulong Duterte na pangalanganan ng Senador ang mga corrupt officials sa gobyerno, matapos naman ang naunang sinabi ni Pacquiao na malala ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.
Sa ngayon ay patuloy aniya na hinihintay ni Pangulong Duterte ang sinasabi ni Pacquiao na mga corrupt na ahensiya nang sa ganoon ay matingnan aniya ng Chief Executive kung talagang may kailangang sibakin sa usaping ito.
“Pero kinakailangan sabihin niya kung saan iyong korapsyon, anong ahensiya iyan at anong ebidensiya niya,” ang tila hamon pa ng Malakanyang sa senador.
“Bagama’t sinabi niya, isa doon sa ahensiyang ito ay DOH, eh talaga naman pong naimbestigahan na iyan fully ng Senado. So, wala pong bago doon sa sinabi niyang departamento na DOH. So sana nga po, bago naman umalis is Senator Pacquiao ay makapagsabi siya kung sino talaga ang dapat maimbestigahan, dahil ang mensahe ni Presidente, hindi po niya tino-tolerate ang korapsiyon. Malaman man lang niya kung saan mayroong sunog at papatayin niya iyong sunog na iyon,” litaniya ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Ads October 24, 2022
-
Ads November 17, 2021
-
Phoenix Super LPG wagi kontra Meralco 116-98
NILAMPASO ng Phoenix Super LPG ang Meralco 116-98 sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Pampanga. Mula pa lamang sa simula ng laro ay hindi na pinaporma pa ng Fuel Masters ang Meralco. Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng Phoenix. Naging bida sa […]