Pagkakawatak-watak ng PDP-Laban pabor sa oposisyon
- Published on July 3, 2021
- by @peoplesbalita
Ang pagkakawatak-watak ng ruling party na PDP-Laban ang makakatulong sa oposisyon sa 2022 national at local elections.
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, stalwart ng LIberal Party (LP), inaasahan na niya na patatalsikin si Sen. Manny Pacquiao bilang PDP-Laban president sa darating na national assembly sa Hulyo 17 ng partido.
Ayon pa kay Drilon, maaapektuhan ang kapasidad ng mga tagasuporta ng administrasyong Duterte na gumastos sa mga troll farm at social media.
Aminado naman ang Senador na marami pang dapat gawin ang oposisyon para mapakinaba-ngan ang pagkakataon, isa na rito ang pagkakaron ng iisang kandidato para sa eleksyon 2022.
“It will not harm the opposition to have the split. It will certainly help ‘pag nahati ang administration given all the resources gi-ven all the troll farms, given the social media expense and resources that they have, certainly a split will help the opposition,” ayon pa kay Drilon.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang patutsadahan ng PDP-Laban chairman na si Pangulong Duterte at ang acting party president na si Pacquiao kaugnay sa usapin ng korapsyon. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PBBM, interesado sa ‘fisheries deal’ sa Marshall Islands
INTERESADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang ‘fisheries cooperation’ sa pagitan ng Pilipinas at Marshall Islands. Nabanggit ni Pangulong Marcos ang ideyang ito nang bisitahin siya ni Marshall Islands President Hilda Heine sa Palasyo ng Malakanyang. “We welcome President Hilda Heine, President of the Republic of the Marshall […]
-
Ibinuko ni Sylvia na nakahanap sila ng katapat… MAINE, tuwang-tuwa na nakikipag-asaran sa Daddy ART ni ARJO
SA Instagram post ni Sylvia Sanchez noong Huwebes, August 11, 2022, ibinahagi niya ang series of photos ng asawang si Art Atayde at Maine Mendoza na tuwang-tuwa na nag-aasaran sa isa’t-isa. “Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa hahaha. “Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. […]
-
9 na bagong opisyal ng gobyerno, nanumpa sa harap ni PBBM
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa tanggapan at departamento ng gobyerno. Sa katunayan, inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga mga opisyal na nag- oath of office sa harap mismo ni Pangulong Marcos, ngayong araw, Hulyo 7. Ang mga ito ay […]