• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 TIMBOG SA DRUG BUY BUST SA CALOOCAN, VALENZUELA

APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang online seller ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ni Miguel Cantos, alyas “Migs”, 20, (Pusher) kaya isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation sa C4 Road, Brgy. 49, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cantos, kasama si Justin Merdigia, 28, online seller dakong alas-2 ng madaling araw.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 400 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruting tops na may standard drug price P48,000.00, buy bust money na 1 tunay na P500 bill at 4 pirasong P1,000 boodle money at isang kulay puting Toyota Rush.

 

 

Dakong alas-5 naman ng Miyerkules ng madaling nang maaresto din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, sa buy bust operation sa A. Fernando St., Brgy. Marulas, Valenzuela city si Ariel Laureta, 50, welder, at kanyang pinsan na si Arthur Laureta, 47, welder.

 

 

Ani SDEU investigator  PCpl Christopher Quiao, narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 grams ng hinihinalangs shabu na may standard drug price P34,000, P500 buy bust money, smart phone at coin purse. (Richard Mesa)

Other News
  • Bukod sa pagsabak din sa maiinit sa eksena: MAVY, puring-puri ang mahusay na pagganap ni ZOREN

    IDOL ng SPARKADA member na si Sean Lucas ang Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix.     Bilib nga raw si Sean sa talento na pinapakita ni Miguel. Magaling daw kasi itong kumanta, sumayaw at umarte. Para sa kanya ay triple threat si Miguel.     Noong mag-audition nga raw si Sean sa GMA Artist […]

  • MPD TUTUTUKAN ANG PAGDUKOT SA DALAWANG PULIS SA MAYNILA

    SINIGURO ng pamunuan ng Manila Police District (MPD)  na lulutasin ang kaso ng pagdukot sa dalawang pulis sa Maynila.       Sa press briefing ng MPD, sinabi ni MPD Director PBGeneral Leo Francisco na naiiba ang dalawang insidente lalo na at pulis ang dinukot.       Naiiba aniya ang kaso lalo na at […]

  • PHILIPPINE ID DAPAT TANGGAPIN SA LAHAT NG TRANSAKSYON AYON SA DILG

    DAPAT tanggapin ng anumang ahensya bilang single requirement ang Philippine ID sa mga transaksyon sa bansa.     Kaugnay nito ay hinikayat mismo ni Department of the Interior and Local Governmemt (DILG) Secretary Eduardo Ano  ang pribadong sektor na ikonsidera ang national ID card bilang ‘sufficient proof of identity’ ng hindi na nanghihingi pa ng karagdagang […]