• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEN. MANNY, PAKIPA-ABOT LANG KAY PRESIDENTE ang ISYU ng CAR PLATES at MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM

“Bakit ba sila nagagalit kay Manny dahil sinabi niyang may korapsyon sa gobyerno. Bakit wala ba?” Ito ang pahayag ni Sen. Tito Sotto na tila nagtataka sa mga galit na inani ni ni Sen. Pacquiao sa sinabi nitong talamak ang korapsyon sa pamahalaan.

 

 

Galit ba sila dahil “walang korapsyon” o dahil may ambisyong mag presidente ang Pambansang Kamao at makakalaban ng kandidato nila.

 

 

Sa totoo lang sa lahat ng eleksyong nagdaan ay issue ang korapsyon. Lahat ng kandidato sinasabi nila na laban sila sa korapsyon pero pagnanalo na sila hindi pa rin nawawala at magiging issue pa rin Ito sa susunod na eleksyon.

 

 

Pero di ba’t mismong si Presidente Duterte, noong Feb 25, 2021, ang nagsabing “Eradicating corruption is impossible”. Sabi pa nga niya “Don’t expect me to ENTIRELY clean the bureacracy”.

 

 

So sa totoo lang hindi bago ang pahayag ni Manny Pacquiao! Ang bago ay dahil nagmula sa mismong presidente ng partido ng pangulo ang pahayag kaya nagalit ang mga kapartido ni Duterte!

 

 

Saan na nga ba ang bansa sa usapin ng korapsyon. Nabawasan ba o lumala? Ayon sa 2020 Corruption Perception Index ng isang Anti- corruption watchdog – Transparency International – ang Pilipinas ay ranked 113th na least corrupt out of 180 countries noong 2019. Noong 2018 ay pang 99. At yun 2015 bago maging presidente si Duterte ay pang 95. Kung ito ang pagbabasehan ay tila lumala ng bahagya. “Still bad” ika nga.

 

 

Naku perception lang yan ng mga dayuhan? May nakasuhan na ba? Nasaan ang ebidensya? Kasuhan muna at hindi puro daldal! Kung wala bang kaso ibig sabihin walang korapsyon? Pero sabi ng mga tao sa akin- Atty.!, di ba a person is presumed innocent until proven guilty?

 

 

Hindi po ganun ang sinabing Konstitusyon tungkol sa “presumed innocent” principle. Hindi po “person” ang sinabi sa Konstitusyon.

 

 

Ayon sa Art. 3 sec 4. In all criminal prosecution the ACCUSED is presumed innocent until proven guilty beyond reasonable doubt. Ibig sabihin pag akusado na sa isang kaso ang isang tao at hindi pa nahahatulan inosente siya sa mata ng batas.

 

 

So paano kung walang magdemanda at tuloy ang katiwalian niya, presumed innocent pa ba siya. Ito ang pinaghuhugutan ni Sen. Manny at ng lahat ng mga nagsasabing imbestigahan ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil hindi pwede na ang tiwali ay gamitin ang innocent until proven guilty at tuloy ang ligaya nila.

 

 

At ito ang inaasahan ng marami na sa huling taon ng termino ni Duterte ay maimbestigahan at kasuhan ang mga tiwali sa pamahalaan.

 

 

Kakampi man o kalaban. At sa mga dapat imbestigahan bigyang prayoridad ang ilan na nagpahirap sa taumbayan.

 

 

Ano na ang nangyari sa isyu ng mga car plates? Sino ang mga nasa likod ng motor vehicle inspection system? Hindi usaping pulitika ito dahil sino man ang susuportahan mong Pangulo ay apektado ka sa mga issue na ito. Kung walang mangyayari asahan mo na sa mga susunod na halalan issue pa rin ng mga kandidato ang katiwalian na walang hanggan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • THE FIGHT RAGES ON AS NEW TRAILER FOR “DUNE: PART TWO” IS UNVEILED

    DO what must be done. Watch the new trailer for “Dune: Part Two,” the highly anticipated follow-up to 2021’s six-time Oscar-winning “Dune,” from Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures. The war epic action movie from award-winning filmmaker Denis Villeneuve opens in Philippine cinemas November 1, 2023.         YouTube: https://youtu.be/bttVBk3mWF8 Facebook: https://fb.watch/ltpbQ2S1AE/ About “Dune: Part Two” […]

  • 5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook […]

  • Spanish tennis star Rafael Nadal inanunsiyo na ang pagreretiro

    INANUNSIYO ng tennis star na si Rafael Nadal ang nalalapit niyang pagreretiro sa paglalaro.   Sinabi ng 38-anyos na tennis player na huli na itong maglalaro sa Davis Cup Finals sa susunod na buwan at tuluyan ng magreretiro.     Dagdag panito na labis na ang kaniyang karanasan sa tennis at naisakatuparan na niya ang […]