Pacquiao nasa US na, 6-weeks training nalalabi bago ang big fight vs Spence
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
Dumating na kanina si Sen. Manny Pacquiao sa Estado Unidos para simulan ang puspusang training bilang paghahanda sa nalalapit na laban kontra sa kampeon na si Errol Spence sa Agosto 21.
Una rito, bumalik noong Sabado ang eroplanong sinakyan ni Pacquiao dahil sa medical emergency ng isang pasahero kaya lumipat sila ng ibang flight ng Philippine Airlines kahapon.
Kung maalala si Pacquiao ay merong bahay sa Los Angeles, California at malapit din doon ang kanyang trainer na si Freddie Roach at ang pamosong Wild Card Gym.
Inabot din ng dalawang taon bago nakabalik si Pacman sa US kung saan ang huling laban niya noong 2019 ay kontra kay Keith Thurman.
Sa ngayon meron na lang anim na linggo ang natitira sa training camp ng 42-anyos na si Pacquiao bago ganapin ang kanilang showdown sa T-Mobile Arena sa Las Vegas at ng 31-anyos na Spence na siyang may hawak naman ang World Boxing Council (WB) at International Boxing Federation (IBF) titles.
-
Ginastusan para mabuo ang 50th MMFF entry… ‘Uninvited’ nina VILMA, never naisip ni BRYAN na magkakatotoo
KALAT na ang tsikang nakatakdang mamaalam sa GMA station ang ABS CBN produced noontime show na “It’s Showtime.“ Pero from a source ay walang katotohanan daw na ang TAPE Inc. na dating producer ng “Eat Bulaga” ang gagawa ng isang noontime show kapalit ng “Its Showtime “ at makakatapat ng “EB”. But may […]
-
Pangulong Marcos inalala yumaong ama
NAGBIGAY ng madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon. “My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, […]
-
Ads August 23, 2024