OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA
- Published on July 10, 2021
- by @peoplesbalita
BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .
Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod o nasa 116 covid beds ang okupado sa kabuuang 344 inilaan na covid beds para sa mga pasyente na may severe at critical condition dahil sa sakit na COVID-19.
Habang nasa 4% na lamang ang occupancy rate o nasa 32 beds ang okupado sa kabuuang bilang na 870 bed capacity para sa mga asymptomatic covid positive cases sa mga quarantine facilities sa lungsod.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isa sa mga layunin sa pagpapatayo ng nasabing field hospital ay upang maging “covid free” ang mga ospital sa lungsod upang ang mga pasyente na may ibang sakit ay muling makabalik at makapagpatingin o makapagpagamot sa mga pagamutan.
Sa huling datos, nasa 14% occupancy rate ang Manila COVID-19 field hospital kung saan okupado ang 49 na kama na inilaan para sa mga pasyenteng may mild at moderate symptoms ng COVID-19 kung saan may kabuuang bilang ito na 344 covid beds.
Samantala, nasa kabuuang 1,124 aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayon sa lungsod kung saan nangunguna ang area ng Sampaloc at Tondo 1 sa pinakamadaming naitalang aktibong kaso nito na umaabot sa parehong bilang na 214. (GENE ADSUARA)
-
DEREK, may regret dahil nakipaghiwalay kay ANDREA over the phone lang
PATULOY pa rin na nagsasalita si Derek Ramsay sa naging break-up nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres. Habang ang Kapuso actress naman ay nananatiling tahimik lamang. Nagpa-interview si Derek sa radio program ni Cristy Fermin at doon nga, siniwalat nito kung paano sila nag-break. Na sabi ni Derek, […]
-
Explore the magical world of Wicked in Jon M. Chu’s cinematic adaptation, arriving in PH cinemas
THE magic of Oz is coming to life! Universal Pictures unveils an exciting behind-the-scenes look at Wicked, the cinematic adaptation of the beloved stage musical, giving fans a peek into the journey of bringing this spellbinding story to the big screen. Set to premiere in Philippine cinemas on November 20, Wicked promises a breathtaking, immersive […]
-
Ads August 9, 2021