Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine
- Published on July 12, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.
“Dini-distribute natin ang ating mga vaccine sa mga [Centers for Health Development] ang ating tinatawag na sa mga regional CHD ng DOH at the same time sa mga [local government units] at mayors ng highly urbanized [areas],” ani Galvez.
“Ang gusto kasi ni former Sec. Garin sa kanya ibigay namin ‘yung doses which is hindi naman tama. Kasi humihingi siya ng allocation. Maguguluhan po ang ibang mga LGUs kasi ‘di siya nasa lineage ng distribution. ‘Yung accounting mahihirapan po tayo at ang administration,” dagdag na pahayag nito.
Aniya pa, may ilang politiko ang nais gamitin at umepal sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan para sa kanilang pansariling political agenda.
“‘Yung nakikita po kasi namin na gingamit ang vaccine sa politika. ‘Yun ang dini-discourage namin na please do not use the vaccine as a political weapon ang nakikita namin sa poster sila mismo kumukuha sa mga airports. It seems na parang sa kanila galing ang vaccines,” ayon kay Galvez.
Nilinaw din ni Galvez na may ilang LGU officials ang ipinatatawag para magpaliwanag kung bakit kailangan ng mga ito ng mas maraming bakuna sa kanilang lugar.
Tinukoy nito ang kaso sa Cagayan de Oro City kung saan ay umapela sa national government para sa mas maraming COVID-19 vaccine doses dahil na rin sa nahaharap ito sa mataas na kaso ng COVID-19.
“We would like to contest ‘yung sinasabi ni [Congresswoman] Garin kasi wala po talagang favoritism ang ginagawa natin. Ang ginagawa natin ‘pag tumawag ang LGU and they rationalize na ‘kailangan namin ng ganitong vaccine kasi ito pa lang ang natatanggap namin,’” aon kay Galvez.
Ani Galvez, ibinibigay nila ang bakunang hinihingi ng LGUs upang sa gayon ay hindi ma-discouraged ito na tulungan ang gobyerno sa vaccine rollout. (Daris Jose)
-
PBBM pinahinto ang pagbabayad ng amortization ng mga benepisaryo ng Agrarian Reform
NILAGDAAN ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortization at ng interes ng agrarian reform beneficiaries. Para ito sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ayon sa Pangulo, ang isang taong […]
-
Stand-out sa ibang klaseng galawan: ZIA, little Marian Rivera talaga pala sa dance floor
KATULAD namin, personal din na nanood at hinabol sa sinehan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang ‘Voltes V Legacy.’ Nitong Lunes, May 8 naman na ito nagsimulang mapanood sa GMA Telebabad. Kasama ni Yasmien ang kanyang mag-ama. Sabi niya, “Finally! were able to watch #VoltesVLegacy with Pangga and Ayesha Zara. Anyway, after naming […]
-
Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’
DAHIL na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe. Ito ay para makatipid sa pera at krudo. Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]