• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela

Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay City Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-3:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa..

 

 

Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P5,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 13 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P1,500 cash, 3 cellphones, pouch, motorsiklo at assorted keys.

 

 

Sa Malabon, timbog si Jomar Rapiz, 37, (User/Listed), carpentry/automotive ng No. 103 Atis Road, Brgy Potrero matapos makuhan ng isang cal. 38 revolver na may anim na bala at limang transparent platis sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa p4.6 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P31,280 ang halaga ng mga tauhan ng Malabon Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLT Jospeh Alcazar at Sub-Station 1 sa isinagawang monitoring at surveillance operation sa Atis Road, Brgy. Potrero dakong 1:05 ng hapon. (Richard Mesa)

Other News
  • Paghahanda ng ‘legal briefer’ ng DOJ ukol sa ICC warrants, standard procedure lang – Garafil

    “THIS  is standard procedure, not a change in position,”     Ito ang tugon ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil sa ginagawang paghahanda ng Department of Justice’s (DOJ) na ‘legal briefer’ sa mga legal na opsyon na magagamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay […]

  • VP Sara, inalala na binalaan si Sen. Imee: Personal na huhukayin ang labi ni Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea

    SINABI ni Vice President Sara Duterte na minsan na niyang binalaan ni Sen. Imee Marcos na personal nitong huhukayin ang labi ng ama ng senadora na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at itatapon ito sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi titigil ang mga ito sa sinasabing political attacks.   Matatandaang, pinayagan ng ama […]

  • Pagsa-surfing ni YASSI, malaking tulong para mabalanse ang kanyang mental health

    DALAWANG taon ding hindi gumawa ng teleserye si Lauren Young dahil naging malaking issue sa kanya noon ay ang kanyang katawan.   Sa dalawang huling teleserye ni Lauren sa GMA na Hiram Na Anak at Contessa, kapansin-pansin ang paglaki ng katawan niya at nagdala raw iyon ng malaking insecurity sa kanya.   Pero ngayon ay […]