• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghahanda sa posibleng pag-alburoto ng Bulkang Taal, hinuhusto na ng DILG at lokal na pamahalaan

NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kino-kompleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal.

 

Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

“Nais ko munang simulan ang aking ulat sa pagbabahagi sa lahat ng paghahandang ginagawa ng ating mga LGUs sa mga lugar na apektado ng pagligalig ng Bulkang Taal pati na ang mga kalapit na LGUs na maaaring maapektuhan sakaling tuluyang pumutok muli ang bulkan,” ayon sa Kalihim.

 

Ayon aniya sa pinakahuling anunsyo ng PHIVOLCS, nananatili sa Alert 3 Level or Alert Level 3 ang bulkan.

 

Habang patuloy aniya ang aktibidad ng bulkan ay umabot na sa 4,363 pamilya ang ngayon ay apektado at kasalukuyang mino-monitor ng LGUs sakaling magbago ang kalagayan ng bulkan.

 

Samantala, 30 evacuation centers na na nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng Batangas at Cavite ang nangangalaga sa  mahigit 1,000 pamilya o higit 4, 000 indibidwal na ngayon ay mga nasa evacuation centers  at sinisigurado aniya ng lokal na pamahalaan na  masusunod ang minimum health and safety protocols sa mga pasilidad upang mapanatiling ligtas sa COVID ang lahat ng personnel at evacuees.

 

Sinabi pa rin ni Año na patuloy ang pagtalaga ng PNP ng kanilang mga tauhan gaya ng search and rescue teams at health protocols.

 

Ang enforcement teams aniya ay naka-standby.

 

“Reactionary standby support teams na nandoon mismo sa area kung sakaling tuluyang pumutok ang bulkan. Mayroon din po tayong 700 fire trucks, 14 rescue trucks, 21 ambulance, seven watercraft at about 1,072 firemen na nakatalaga para magligtas kung sakaling pumutok ang bulkan,” ang pag-uulat ni Año. (Daris Jose)

Other News
  • BASBAS IBINIGAY SA BBM-SARA UNITEAM NG EL SHADDAI

    PORMAL nang inendorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan.     Naganap ang pagtataas ng kamay […]

  • Tokyo Olympics non-medalists may bonus din

    Maski ang mga miyembro ng Team Philippines na nabigong manalo ng medalya sa Tokyo Olympic Games ay may matatanggap na bonus.     Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino sa pagbibigay nila ng tig-P500,000 sa mga Tokyo Olympics non-medalists.     Katulong ng POC sa […]

  • Kaya itinuloy na lang ang acting career: CARLOS, kinalimutan na ang pangarap na maging doktor

    KINALIMUTAN na ni Carlos Dala ang pangarap niyang maging doktor.     Sa storycon ng bagong movie ni Jay Altarejos titled “Pamilya Sa Dilim” ibinahagi ng mahusay na actor na suportado ng kanyang mga magulang ang desisyon niya na gawin career ang pag-aartista.     Ayon kay Carlos, mas gusto niya na ituloy ang kanyang […]