• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.

 

 

Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng Navotas city.

 

 

Ipinag-utos naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot kay Sub-Station 5 commander P/Lt. Zoilo Arquillo ang manhunt operation kontra sa mga suspek na sina Albert Lozano, Ayan Calidro, kapwa ng Blk 13 Hiwas St. Dagat-dagatan, Brgy. Longos at Deniel Soria ng Sawata St. Caloocan city.

 

 

Ayon kay Malabon police homicide investigator P/SSgt. Diego Ngippol, naganap ang insidente sa kahabaan ng Hiwas St. Brgy. Longos, matapos ang magkalabang gangs na Original Batang Tondo (OBT) at Stoke Fam (SF) ay magsagupa dakong alas-4 ng madaling araw.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng mga nakasaksi, magkakasunod na nagpaputok ng kanilang pen gun ang tatlong suspek na miyembro ng SF gang patungo sa biktima na isang miyembro ng OTB.

 

 

Nang mapansin ng dalawang grupo ang presensya ng romespondeng mga pulis at barangay officials ay mabilis nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon habang naiwan ang duguang biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • Malakanyang kay FPRRD: Don’t be selfish, follow constitution

    TINAWAG ng Malakanyang na ‘selfish’ o sakim si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte nang ipanawagan nito na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     “No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter (Vice President Sara Duterte) can take over,” ang […]

  • Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

    https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.     Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihi­ngi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa […]

  • CZECH REPUBLIC, KASAMA NA RIN SA TRAVEL RESTRICTION

    KASAMA na rin ang Czech Republic sa listahan ng mga bansa sa travel restriction, ayon sa Bureau of Immigration (BI)   Ito ang sinabi BI Commissioner Jaime Morente sa isang advisory kung saan magsisimula ang travel restriction 0001H ng Enero 28 hanggang sa katapusan ng buwan.     “We have received a directive expanding the […]