PAGBABAGO SA PROSESO SA PAGBOTO
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON ng pagbabago sa proseso ng pagboto sa 2022 local and national elections dahil na rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease sa bansa.
Ayon ito kay Comelec Spokesman James Jimenez dahil ang mga botohan ay may posibilidad na maging sanhi ng pagsasama-sama ng mga tao kaya dapat mayroong mga pagbabago sa proseso ng pagboto.
Ikinokonsidera aniya na limang tao lamang ang maaaring manatili sa isang silid aralan na gagamitin bilang voting venue.
Sinabi ni Jimenez na ang pamantayan sa mga nakaraang halalan ay palaging sa anumang lugar ng botohan, dapat mayroong puwang para sa hindi bababa sa sampung tao na boboto ng sabay-sabay.
Ngayong may banta pa ng COVID-19, possible aniyang babaan ang bilang ng maaring bomoto sa bawat polling precint.
Ayon kay Jimemez, maaring limang indibidwal na lamang ang papayagan sa loob ng polling precint kabilang ang tatlong miyembro ng electoral board, isang watcher ng kandidato at isang botante.
Pero ang panukalang ito aniya ay tatalakayin pa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
50-ANYOS NA MISTER KINADYOT SA LEEG
SUGATAN ang 50-anyos na lalaki ang matapos tarakan sa leeg ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City. Nasa stable na kondisyon habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si alyas “Wilson”, ng […]
-
Kinunan habang nagso-shooting sa Coron, Palawan… ANDREA, pasabog ang kaseksihan sa suot na one piece swimsuit
ABA, pasabog ang sexy pictures na ipinost ni Andrea Torres sa kanyang Instagram account. Napaka-sexy naman talaga ni Andrea sa kanyang one piece swimsuit pero halos kitang-kita naman ang kanyang flawless skin, pati ang kanyang buttocks or backside. At habang may hawak itong buco. Obviously, sa shooting ng pelikula niyang […]
-
Kiefer Ravena hindi makakasama sa laro ng Gilas kontra Jordan at Saudi Arabia
HINDI na makakasama sa laro ng Gilas Pilipinas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ang kanilang veteran guard na si Kiefer Ravena. Sa kanyang social media ay ibinahagi nito na sumailalim siya ng emergency dental procedure. Nanawagan na lamang ito sa mga fans na ipagdasal at suportahan ang […]