• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Vaccine security,’ long term plan para sa mga dumarating na sakit’ – NTF

Ipinupursige na ng pamahalaan ang paglikha ng katulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, bilang long term project sa paglaban sa mga lumalabas na sakit.

 

 

Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., sinisikap nilang pagsamahin ang kakayahan ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), Analysis Center at Research Institute for Tropical Medicine (DOH-RITM).

 

Ang ganitong hakbang umano ay bilang paghahanda sa mga posibleng iba pang sakit na lilitaw sa mundo.

 

 

Hindi pa naman masabi ni Galvez kung gaano katagal bago maging operational ang sinasabi nitong pasilidad.

 

 

Pero tiyak umanong mangyayari ito, dahil iyon ang direksyon ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“Sinisikap natin itong magawa. Ito talaga ang direksyon sa atin ng pangulo, para sa mga katulad ng sitwasyon ngayon na may pandemya,” wika ni Galvez.

 

 

Una nang naglaan ng reward ang chief executive para sa makagawa ng bakuna laban sa COVID-19, ngunit bigo ang mga local scientist dahil sa kakapusan ng magagamit na pasilidad para sa research at development. (Gene Adsuara)

Other News
  • JERIC, aminadong malaking pressure na mapiling bida sa movie ni Direk LOUIE kaya dapat lang na galingan

    NANINIWALA si Engr. Benjamin Austria, the man behind BenTria Productions, na panahon na para ilunsad si Jeric Gonzales in a solo movie kaya ito ang napili niyang magbida sa Broken Blooms.     Naniniwala ang newbie producer sa kakayahan ni Jeric bilang isang actor kaya first choice ang binata to play the lead in Broken […]

  • 2 tulak nalambat sa P24 milyong marijuana sa Navotas

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P2.4 milyon halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naares­tong mga suspek na sina Ali James Erese alyas “Ali”, 20 ng 99 4E Hermosa […]

  • Kaya matutuloy na ang ‘Pagtatag’ concert: Problema ng SB19 sa dating management, naayos na

    SA wakas ay natapos na ang problema ng SB19 na may kinalaman sa kanilang dating management na ShowBT Philippines Corp.     Sa pamamagitan ng sariling ahensiya ng phenomenal boy group, ang 1Z Entertainment, ay inanunsiyo nila na nagkaroon na ng pagkakasundo nito lamang Disyembre 5.     Ayon sa kanilang Facebook post, ay nagkaroon […]