Ekstensyon ng travel restrictions sa 7 bansa, pinalawig ng IATF
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021
Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.
Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.
Matatandaang pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.
Ang mga bansa ay India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates.
Pinaalalahanan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.
Sa mga pasahero naman na ‘fully-vaccinated’ na at buhat sa mga bansang binigyan ng ‘green tag’ ng BI, kailangan muna na sumailalim sila sa pitong araw na quarantine sa mga health facility bago makapasok sa bansa. Ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa ring sumailalim sa 10-araw na quarantine sa health facility ng bansa. (Daris Jose)
-
Gobyernong Duterte, hindi pinaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng PPE -Galvez
TINIYAK ng pamahalaan na hindi nito pinapaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng personal protective equipment (PPE). ”Noong panahon po na iyon, kahit na ang US, Canada at mga western countries, wala pong makunan ng face masks at PPEs—kumukuha po sila sa China. Hindi po natin fine-favor ang China kasi kung tutuusin po, […]
-
Gatchalian, Tiangco brother, Sandoval nagpasalamat sa pagbisita at tulong ni PBBM
NAGPASALAMAT sina Mayor WES Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Mayor Jeannie Sandoval kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbisita nito sa Valenzuela, Malabon at Navotas Cities para suriin ang epekto ng bagyong Carina at Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila na naging dahilan upang isailalim sa state […]
-
Naomi Osaka hindi na tinapos ang Canadian Open dahil sa injury
NAPILITANG mag-withdraw sa Canadian Open si Japanese tennis star Naomi Osaka dahil sa back injury. Hawak ni Estonian tennis player Kaia Kanepi ang kalamangan 7-6(4), 3-0, sa opening game ng mapilitang itigil ni Osaka ang laro dahil sa hindi na nito matiis ang sakit mula sa injury. Nilapatan pa ito ng […]