• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling SONA ni PDu30 magiging simple at ilalahad ang nagaganap na reyalidad sa ground- Andanar

TINIYAK ng Presidential Communications Operations Office (PCOO)na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang aasahan ng publiko para sa huling State of the Nation Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 26, 2021.

 

Ito ang paglalarawan ni PCOO Secretary Martin Andanar sa magiging SONA ng Pangulo at itinuring bilang isang optimistic speech.

 

Aniya, ilalahad ng Punong Ehekutibo ang reyalidad sa ground lalo na at kasalukuyan pa ring may presensiya ng pandemya, mga pili o importanteng nagawa at mga naging pagbabago sa nakalipas na limang taon.

 

Sinabi ni Andanar na matagal na nilang pinaghahandaan ang huling pag- uulat sa Bayan ng Pangulo habang nailatag na aniya na din ng grupo ng mga speech writers ang accomplishment ng Presidente.

 

Mula naman dito ay bahala na si Pangulong Duterte kung ano ang nais niyang maisama sa kanyang talumpati sa SONA lalo’t hindi naman mababangit lahat ang mga nagawa na nito sa kanyang panunungkulan.

 

Ani Andanar, ilan rito ay tungkol sa Build, Build, Build; Free tuition act, nakuhang benepisyo ng mga retirees, anti- corruption, may kinalaman sa peace and order at iba pa. (Daris Jose)

Other News
  • Abalos, ipinag-utos sa LGUs na maghanda para sa posibleng epekto ng El Niño

    IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na maghanda para sa at pagaanin ang posibleng epekto ng El Niño  sa kanilang lugar.  Ang kautusan ni Abalos ay  matapos na magpalabas ng El Niño alert  ang  state weather bureau  na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  na nagpapakita […]

  • Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).   Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.   “My warmest […]

  • Ilang senador, “overreacting” sa pagkadismaya ni pdu30 sa banat nito laban sa senate hearing

    PARA kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “overreacting” ang ilang senador sa pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Sa kanyang commentary show na Counterpoint, nilinaw ni Panelo na hindi kailanman […]