• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lumobo pa ang pabuya sa mga makakamedalya

TATANGHALING multi-millionaire bukod pa matatamong karangalan at kaligayahan, ang sinumang mananalo ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8.

 

 

Pinalaki pa ni business tycoon Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation ang cash pot para sa quadrennial sports festival sa pagdagdag ng P10M sa bawat mag-uuwi ng gold, P5M sa mga makaka-silver at P2M sa bronze.

 

 

Isiniwalat ito nitong Martes ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na dumalo bilang bisita sa tuwing Martes na online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Smart at Upstream media.

 

 

Unang binunyag ni sports patron Manuel Pangilinan sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation ang additional na P10M-P5M-P2M para sa G-S-B  medalists, katulad ng ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.

 

 

“Now RSA is giving the same amount,” pagbubunyag ni Tolentino, hinirit na P30M na ang makukuha sa gold winner, P15M sa silver, at P6M sa bronze. (REC)

Other News
  • PANCHO at MAX, parehong dedma sa nagtatanong kung naghiwalay na

    FEELING namin, hindi na rin magtatagal at magsasalita na rin ang mag-asawang Max Collins at Pancho Magno sa totoong estado ng relasyon nila.     Si Pancho ay kasalukuyang napapanood sa GMA Telebabad na First Yaya at si Max naman, ang dating pinagbidahang serye na Innamorata ay muling mapapanood at ipalalabas sa GMA Afternoon Prime […]

  • Magha-house tour pagkatapos ng teleserye nila ni Alden: BEA, dream na magka-bahay sa Europe kaya pumunta ng Madrid

    NATAPOS na ang Election 2022 sa bansa, pero ang mga netizens at viewers ng top-rating GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady ay hindi pa tapos at sumisigaw pa sila ng suporta kay First Lady Melody na kandidatong Presidente ng bansa.     Bakit hindi si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang muling kumandidato? Nagkaroon […]

  • Navotas nagbigay ng mga computers, 200K cash sa mga guro

    Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga computers at gave away na P200,000 cash prizes sa mga public at private school teachers sa selebrasyon ng Navotas Teachers Day.   Nasa 123 master teachers ang nakatanggap ng laptop computers at 24 public elementary at high schools naman ang nakakuha bawat isa ng desktop unit each. […]