• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao out, Cusi in bilang PDP-Laban president

Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido at ipinalit si Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido ang nagpanumpa kay Cusi.

 

 

Nagpalabas naman ng mensahe si Pacquiao na kasalukuyang nasa Amerika upang mag-ensayo para sa nalalapit na laban kay Errol Spence.

 

 

Sinabi ni Pacquiao na bahala na sina Cusi kung mas importante sa kanila ang pulitika at sa huli ay mga mamamayan ang magdedesisyon kung sino ang kakatigan.

 

 

“Kung sa tingin nila Cusi at iba pa na mas importante ang politika sa ngayon, bahala na sila. Sa huli, isa lang naman ang tanong na dapat sagutin. Sino ba ang sasamahan ng taong bayan?” ani Pacquiao sa inilabas na statement.

 

 

Sinabi rin ni Pacquiao na nakakalungkot na nakapasok na sa Pilipinas ang Delta variant at ito ang dapat maging prayoridad ng gobyerno.

 

 

“Nakakalungkot na nakapasok na ang Delta variant sa Pilipinas at kapag hindi maagapan, marami ang maaa­ring mahawa. Ito dapat ang prayoridad ng ating gobyerno,” ani Pacquiao.

 

 

Matatandaan na mismong si Cusi ang nag organisa ng national assembly ng PDP-Laban sa Clark, Pampanga kung saan dumalo si Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • BILLY, umaming ‘walang tulugan’ sa pag-aalaga sa baby nila ni COLEEN

    SA rami ng shows na naging host si Billy Crawford ay malaki raw ang pagkakaiba nitong The Masked Singer dahil pawang performers ang contes- tants na hindi niya kilala, kaya pati siya ay makikihula kung sinu-sino sila at iyon ang magpapa-excite sa kanya.   Tsika ni Billy sa ginanap na virtual mediacon ng Philippine adaptation […]

  • Ugas handang bigyan ng rematch si Pacquiao

    Handang bigyan ni Cuban champion Yordenis Ugas si Manny Pacquiao ng rematch.     Sinabi nito na malaki pa rin ang respeto nito sa fighting senator.   Dalawang daan porsyento aniya na ito ay hindi magdadalawang isip na bigyan si Pacquiao ng rematch.     Magugunitang nakuha ni Ugas ang unanimous decision na panalo kay […]

  • Sagupaang Russel at Richard aabangan

    ISA sa inaantabayanan ng mga professional basketball fan kapag nagbalik na ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations ang pagtatapat ng magkapatid na Escoto.   Sila ay sina veteran Russel na nasa five-time defending champion San Miguel Beer  ang mas bata na si Blackwater Bossing rookie Richard.   Maaaring maganap na ang matagal […]