• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipasa ang Anti-Endo Law

KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

 

Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong tutuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong panahon ng kampanya.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy silang nananawagan at umaapela sa mga mambabatas na ipasa na ang anti-endo bill lalo pa’t malapit ng matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay wala pa ring naipapasang batas ukol dito.

 

“We continue to appeal to Congress to pass this anti-endo law as the term of the President ends,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaya kahit aniya panay-panay ang pangangalampag at pagsertipikang agad na maipasa ang panukalang batas laban sa kontraktuwalisasyon kung hindi naman inaaksiyonan ng Kongreso ay wala ring magiging saysay ito.

 

“But we leave it to Congress because unfortunately no amount of certification can lead to the enactment of the law if the wisdom of Congress is otherwise,” ding pahayag ni Sec. Roque.

 

Matatandaang, sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang anti-endo bill subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuusad sa Kongreso.

 

At maging si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello ani Roque ay umaasang maisabatas ang naturang panukalang batas para sa mga manggagawa.

 

“When I last talked to Secretary Bello, he reiterated the anti-Endo bill continious to be an administration bill and it has also been certified as urgent by the President,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Administrasyong Marcos, nalampasan ang 2022 revenue target ng 2.2%

    NALAMPASAN na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  revenue target para sa 2022 ng 2.2%.     Ito ang inanunsyo ng  Office of the Press Secretary (OPS), tinukoy ang report ng Department of Finance (DOF).     Sinabi ng OPS na ang lumabas na  revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) […]

  • Conor McGregor planong lumaban muli sa UFC

    PLANO ni dating two-division UFC world champion Conor McGregor na muling sa lumaban sa octagon.     Ito ang kinumpirma ni UFC President Dana White kung saan maaaring gawin ito sa huling bahagi ng taon o sa susunod na taon.     Dagdag pa ni White na inalok ang Irish fighter ng pelikula subalit mas […]

  • Ads May 19, 2023