MAKABAYANG PANGULO at DAYUHANG KAPITALISTA sa ILALIM ng SB 2094
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
Sa ngayon ay maaring masakop ng malakas na bansa ang mas mahina hindi lang sa paggamit ng “military power” kundi ng “economic power”. Maaring malubog na sa utang ang mas mahinang bansa na hindi maayos sa paghawak ng ekonomiya kaya walang magagawa kundi isuko na lang ang sarili sa pamamagitan ng malalaking negosyo at kontrata sa gobyerno. Isa ito sa pinangangambahan ng mga tutol sa pag-aalis ng ‘nationality restriction requirement’ sa Saligang Batas na 60 – 40 pabor sa Pilipino sa mga public utility industries.
Kailangan ang mga dayuhang kapitalista sa ekonomiya kaya nga pwede sa mga public utilities kahit hanggang 40 percent na foreign ownership. Sa mga hindi naman public utility ay pwede lumampas sa 40 percent na pagmaymayari ng dayuhan ang pinapayagan ng batas. Pero bakit nga ba dapat lamang ang pag-aari ng pinoy sa public utility industries – dahil kapag kontrolado ng dayuhan ng buong buo ang tubig, kuryente, broadcast, telepono, transportasyon, at iba pa ay kontrolado na ng dayuhan ang Pilipinas nang hindi man lang nagpapaputok kahit isang bala. Ang panganib na ito ay pangamba rin ng mga mambabatas na nagsusulong ng SB2094 na bubukas ng bukang-buka ang mga industriyang binanggit sa dayuhan maliban sa kuryente at tubig.
Sa panukala :
Sec. 14 Review of Foreign Direct Investment in Covered Transactions
A. National Security Reviews, how initiated – The President or the National Security Council shall initiate a review of a covered transaction TO DETERMINE ITS EFFECTS ON THE NATIONAL SECURITY OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES if
- The covered transaction is a FOREIGN GOVERNMENT CONTROLLED TRANSACTION; and,
- The transaction would RESULT IN CONTROL OF ANY CRITICAL INFRASTRUCTURE OF OR WITHIN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.
Karagdagan sa maaring gawin ng Pangulo ay:
Action by the President – The president MAY take (not ‘shall take’ – ibig sabihin depende sa kanya) such appropriate action including suspension of a covered transaction involving critical infrastructure that THREATENS TO IMPAIR THE NATIONAL SECURITY OF THE PHILIPPINES.
So, kung maipapasa ang panukala at maging batas ay nakasalalay sa Pangulo ang pagdepensa ng bansa laban sa “economic takeover” ng dayuhang bansa gamit ang kanilang mga kapitalista. Kaya nga kinakailangan pagaralang mabuti ang panukalang ito bago pa tayo mawalan ng sariling bayan.
Sa 2022 at lantad na ang mga kandidatong presidente at mga mambabatas, kailangan maging klaro ang posisyon nila sa mahalagang isyung ito.
Sa mga botante ok lang na maaliw tayo sa pagsasayaw o pagkanta ng mga kandidato, tanggapin ang pera siguruo o mg bagay na ibinibigay nila pero mas isipin natin na iba na kapag BOTO MO ANG PINAGUUSAPAN. SAGRADO YAN.
Ibigay natin ang botong yan sa mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan at kaya tayong lahat na ipaglaban! (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
PBBM, tiniyak ang kahandaan ng gobyerno kay ‘Enteng,’ nangako ng napapanahong public advisories
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handa ang gobyerno at mahigpit na binabantayan ang situwasyon sa ‘ground’ habang nananalasa ang Tropical Storm Enteng (international name Yagi) na nagpabaha sa ilang bahagi ng Luzon at bahagi ng Visayas. Sinabi ni Pangulong Marcos na may template na ang gobyerno na sinusunod ng […]
-
James Wan’s ‘Malignant’ First Trailer Reveals A Terrifying New Horror Movie
FROM the mind behind the ‘Conjuring’ universe comes this new terrifying horror movie, Malignant. The first trailer is here, from the director who brought you “Saw,” “Insidious,” and “The Conjuring” and watch below:https://www.youtube.com/watch?v=nnr8w5lRhC4&t=146s Malignant is the latest creation from “Conjuring” universe architect James Wan (“Aquaman,” “Furious 7”). The film marks director […]
-
Djokovic pasok na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championship
PASOK na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championships si Serbian tennis star Novak Djokovic. Tinalo kasi nito si Lorenzo Museti ng Italy sa score na 6-3, 6-3. Ito ang unang laro ni Djokovic ngayong taon matapos na ito ay ma-deport sa Australia nitong Enero dahil sa hindi pagsiwalat […]