• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCTA group nanawagan sa gobyerno na agapan paghigpit vs sa Delta variant

Nanawagan ang OCTA Research Group na magpatupad na ang gobyerno ng paghihigpit dahil sa posibilidad na pagtaas ng kaso muli ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

 

 

Hindi rin dapat balewalahin ang pagtaas ng coronavirus infections sa Metro Manila dahil sa posibleng dulot na ito ng mas nakakahawang Delta variant.

 

 

Ayon sa naturang independent group hindi aniya sapat ang kasalukuyang general community quarantine status without restriction at kailangan na ipatupad ay ang mas mahigpit na quarantine status o restrictions sa NCR.

 

 

Ang tama at sapat na intervention kabilang ang lockdown na samahan pa ng pinalawig na testing at contact tracing ang dapat ipatupad ng gobyerno.

 

 

Nauna nang inamin ng Department of Health na nagtala na sila ng local transmission ng Delta variant.

 

 

Sa pinakabagong pagtukoy ng DOH meron na namang 12 bagong kaso na nahawa ng Delta variant sa bansa. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pingris handang tulungan ang FEU

    HANDA si Marc Pingris na tulungan ang Far E­astern University (FEU) Tamaraws sa kampanya nito sa UAAP men’s basketball tournament.     Inimbitahan ng pamu­nuan ng unibersidad si Pingris na maging bahagi ng coaching staff upang mas lalong mapalakas ang Tamaraws sa mga susunod na edisyon ng UAAP.     “Handa naman ako pero pag-uusapan […]

  • Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

    PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.     Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event. […]

  • Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA

    PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.       Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal.       Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa […]