• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Rastro’ fans nina RHIAN at GLAIZA, nabubuhay na naman dahil sa mga post nina KYLIE at ANDREA

KUNG dati ay talagang may pag-iwas sina Dominic Roque at Bea Alonzo na magpost na magkasama sila, ngayon, open na ang mga ito. 

 

 

Nagpo-post na sila ng mga ganap nila habang magkasamang nagbabakasyon sa U.S. at tina-tag na rin nila ang isa’t-isa. Tulad nga ng recent camping nila.

 

 

In fairness sa dalawa ha, physically bagay ang mga ito. Ang ganda nilang tingnan together. Siguro nga kung ang pagbabasehan ng tulad ng ginagawa ng iba na sa status ng career ay hindi magka-level, bilang isang Queen na ang status ni Bea,  e, ano naman, wala naman talagang level o status kapag love na ang pinag-usapan.

 

 

Iba naman ang level o status ha sa may nasasagasaan halimbawa may iba na palang karelasyon. Both single naman sila.

 

 

Marami rin netizens na kinikilig sa dalawa at nagko-comment na “kilig na kilig ako!” “rooting for them.”

 

 

Pero may netizen din na nakapansin na tila parang paligsahan daw ng mga ganap ang BeaDom at JuRalds naman na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, huh!

 

 

***

 

 

HANGGANG ngayon, buhay na buhay pa rin ang mga naging fan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos dahil sa naging serye nilang The Rich Man’s Daughter.

 

 

Napakaraming naging fan ng dalawa at umasang totohanan ang mga roles nila.

 

 

Nabubuhay na naman ang mga fan nila na karamihan ay lesbian dahil sa mga post nina Kylie Padilla at Andrea Torres. Obviously, tulad nina Glaiza at Rhian, mga lesbian din ang characters na gagampanan nina Kylie at Andrea.

 

 

Nag-comment si Glaiza nang, “awooo” sa post ni Kylie. Ang dami na agad nag-comment kay Glaiza at halos iisa ang sinasabi, lahat ay nagtatanong dito kung kailan daw babalik ang Rastro.

 

 

“Glai, ‘wag mong sabihin na wala ng rastro?”

“Anong awoo te glai??? Di pa kami tapos sa rastro.” 

“Waiting pa rin sa rastro comeback.” 

“Sana di mo pa rin kami nakakalimutan, ‘yung mga rebels mo.”

Ang rastro ay ang nabuong pangalan ng mga fan ng “loveteam” nina Rhian at Glaiza.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Gobyerno, isasapribado ang P2.5-B halaga ng assets ngayong taon

    TARGET ng  Privatization and Management Office (PMO) ng Department of Finance (DoF) na  ibenta ang 143 property na nagkakahalaga ng P2.5 billion para sa natitirang bahagi ng taon.     “The aggressive disposition of nonperforming assets will provide much-needed revenues for priority projects. It will also clear the National Government’s books of stagnant assets,” ayon […]

  • Tigil-pasada naging payapa – PNP

    INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na nanatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang pagsasagawa ng 3-day transport strike ng PISTON (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide).       Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo walang naitatalang untoward incident ang kapulisan batay sa report na ipinadala ng […]

  • Batas na naglalayong gawing kriminal ang nagre-red-tagging, labis na nakababahala at mapanganib para sa bansa

    SINABI ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang Senate bill na naglalayong parusahan ang red-tagging ay gagamitin lamang para patahimikin o busalan ang mga nagsisiwalat sa mga nagsisilbing legal fronts ng communist rebels.   Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy na ang nasabing batas na naglalayong […]