Higit 5,000 dagdag na COVID case sa PH, halos 100 bagong nasawi – DOH
- Published on July 26, 2021
- by @peoplesbalita
Mula sa 6,216 kahapon, bahagyang bumaba sa 5,479 na ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,548,755 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 5,573 na bagong recoveries kung saan nasa 1,467,269 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 27,224 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 93.
Kasabay ng unang Linggo ng Hulyo, kabuuang 52,708 ang aktibong kaso ng COVID sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
Pagpapalawig ng ECQ may ilang bilyong pisong epekto sa ekonomiya – ECOP
Mayroong malaking epekto sa ekonomiya ang panibagong pagpapalawig ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa apat na karatig na lugar nito. Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr na bilyong piso ang magiging lugi ng mga negosyosa nasabing panibagong isang linggong ECQ. […]
-
Ukraine Athletes inalala ang mga sundalo
Binigyang ng pagkilala ng ilang mga atleta mula sa Ukraine ang kanilang mga mamamayan na pinatay ng mga sundalo ng Russia. Ang mga atleta ay kinilala na sina tennis star Elina Svitolina at Premier League soccer players Oleksandr Zinchenko at Mykhailo Mudry at ang boksingero na si Oleksandr Usyk. Naglabas sila ng video […]
-
DSWD, pinagtibay ang suporta sa mas pinalakas na Asean regional cooperation
PINAGTIBAY ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang commitment ng Pilipinas na suportahan ang development policies ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), tumutugon sa kakailanganing pagbabago para sa marginalized at vulnerable sectors sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Sa isang kalatas, sinabi ng DSWD na […]