• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

“At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito na rin ang kahuli-hulihang SONA ko bilang tagapagsalita, so hindi lang po si Presidente ang magpapaalam,” anito.

 

Sa ngayon ay patuloy ang gagawin niyang pakikipagtulungan sa mga miyembro ng media at pagdadala ng mga balita at mga impormasyon na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi pa niya na nagagalak siya sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging instrumento na isulong ang freedom of information ng taumbayan.

 

Sa kabilang dako, magpapa-schedule naman si Sec. Roque ng “thorough physical check-up” bago po dumating ang buwan ng Setyembre para malaman kung ano talaga ang estado ng kanyang kalusugan.

 

Ayaw namang umasa ni Sec. Roque sa kung ano ang magiging resulta ng kanyang medical conddition sa naka-iskedyul na pagpapa-check up niya.

 

“Well, titingnan po muna natin iyan. Ayaw ko na po munang umasa ‘no dahil noong minsan, tayo po ay umaasa eh hindi naman pupuwede dahil sa ating medical condition ‘no. So pinagdadasal po natin iyan at titingnan po natin kung ano ang sasabihin ng mga doktor,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, isa si Sec.Roque sa sinasabing kasama sa inisyal na listahan ng inaayos ng Pangulo na magiging manok nito sa pagka-senador sa 2022 elections. (Daris Jose)

Other News
  • Investment hub ng Pilipinas matagumpay na naibida sa 2023 World Economic Forum

    MATAGUMPAY na naiparating ng Pilipinas sa World Economic Forum na bukas ang ating bansa sa mga negosyo.     Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, naibida ng Philippine delagation sa World Economic Forum attendees ang pagiging premier investment hub ng Pilipinas.     Punto ni Speaker Romualdez na maraming multinational company na ang nagpa-planong magtayo […]

  • Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1

    BALIK  na muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.     Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record.     Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at […]

  • Wish ni Duterte sa kanyang 77th b-day: ‘To have a clean, fair, honest election’

    MAY KINALAMAN  sa darating na May 9, 2022 elections ang wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang 77th birthday bukas, March 28.     Ito ay ang hangarin na magkaroon ng malinis at patas na halalan sa Mayo ayon sa Malacanang.     Dagdag ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, magiging simple at tahimik na […]