• August 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.

 

 

Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga residenteng nabakunahan ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Ito ay 45.68% ng 1.7 milyong populasyon na target mabakunahan ng lungsod upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Malaking bagay anila ito lalo na ngayong may Delta variant na sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

 

 

Samantala, nasa 481,089 residente na o 28.30% ng target population ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa lungsod.

 

 

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Ang mga nabibigyan anila ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

 

 

Maaari anila nilang bisitahin ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa kanilang official Facebook page o kaya bisitahin ang  https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.

Other News
  • Defending champion Bucks isang panalo na lang para umusad sa 2nd round

    ISANG panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na Milwauke Bucks para umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na ilampaso ang Chicago Bulls sa score na 119-95.     Dinomina ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ang laro nang kumamada ng 32 points, 17 rebounds at seven assists upang iposte ang […]

  • Mondo Announces ‘The Dune Sketchbook’ Vinyl With 3 Vibrant Movie Posters

    A new vinyl version of Hans Zimmer’s Dune soundtrack, ‘THE DUNE SKETCHBOOK: Music from the Soundtrack,” is now on sale.     Alongside the upcoming musical release are 3 new posters for the film, each with its own distinct style. Dune is yet to be released in some of the world’s biggest markets, but has still managed to amass well over $100 […]

  • KASO NG DELTA VARIANT, NADAGDAGAN PA

    SA  patuloy na pagtukoy ng mga variant of concern at variant of interest ng Philippine Genome Center (PGC) , ngayong araw ay muling nakapagtala bg karagdagang 466 Delta variant (B.1.617.2) .     Mayroon ding natukoy na  90 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 105 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 P.3 variant cases sa huling batch […]