• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight

Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

 

 

Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na si Brenda Irvine via split decision sa score na 4-1.

 

 

Si Paalam ang ikatlong boksingerong Pinoy na agad na naidispatsa ang mga kalaban.

 

 

Una nang umusad sa next round ang mga Pinay boxers na sina Nesty Petecio at Irish Magno sa round-of- 6.

 

 

Napansin na sa first round pa lamang ay abanse kaagad si Paalam sa limang mga judges at binigyan siya ng perfect score na 10.

 

 

Pagsapit ng Round 2 ay tinangkang humabol ng Irish boxer at naging dikitan ang laban hanggang sa third round.

 

 

Gayunman sa huling round ay bahagya pa ring nakalamang ang Pinoy boxer at dito na niya ibinuhos ang lahat para makuha ang panalo.

Other News
  • Padilla balik sa putukan

    MULING magpapaputok buhat sa siyam na taong pagreretiro si multi-titled shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla para palakasin ang national team sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa darating na Nobyembre 21-0Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.     Ito ang ibinunyag Biyernes ng gabi sa People’s BALITA Sports  ni Philippine National Shooting Association (PNSA) pistol director Ronaldo […]

  • POKWANG, Kapuso artist na rin after lumipat sa Kapatid network; ano kaya ang magiging project?

    ANO kaya ang programang ibibigay ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist na si Pokwang?     After lumipat sa Kapatid network ay official Kapuso artist na ang komedyana matapos na ito ay pumirma sa GMA 7.     Siya ang latest sa mga dating Kapamilya talents na lumipat ng tahanan at tinanggap bilang mga […]

  • Ads October 4, 2022