Kahit wagi sa prelim bout, Nesthy Petecio, ‘di papakampante sa face off nila ng Chinese-Taipei boxer bukas – coach
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda na ang “Davao pride” na si Nesthy Petecio na makaharap ang world’s number 1 na si Ling Yu Ting mula-Chinese Taipei para sa Women’s Featherweight Category.
Ito’y matapos niyang talunin kahapon si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa pamamagitan ng unanimous decision o 5-0 na score mula sa judges.
Sa panayam kay Nolito Velasco, head coach ng Philippine Women’s Boxing team, sinabi nito na nagsilbing “warm-up” para kay Petecio ang face off nila ni Matshu.
Nag-review rin daw si Velasco sa mga nakaraang laban nina Lin at ni Petecio para mas maihanda ang Pinay boxer pagdating sa Round of 16 bout nito bukas, Hulyo 26, ganap na alas-12:39 ng tanghali.
Kailangan din aniyang manalo si Petecio sa laban kay Lin para makapasok ito sa quarter finals at magarantiya ang kahit bronze medal para sa Pilipinas.
Ayon pa sa head coach, nagpapasalamat si Petecio sa mga kababayang Pilipino lalo na sa mga Dabawenyo na nagpapakita sa kanya ng suporta.
-
Naayos na ang sitwasyon after 15 years: YASSER, inaming nagalit sa amang Portuguese dahil iniwan sila
MAKALIPAS ang labinlimang taon, maayos na ang sitwasyon sa pagitan nina Yasser Marta at ama niyang Portuguese. Ayon sa kuwento mismo sa amin ni Yasser… “Sa totoo lang, galit ako sa tatay ko e, kasi nung bata kami parang iniwan niya kami, ganun. “Pero after almost fifteen years, […]
-
Phil. Football Federation hinihintay pa ang naturalization ng Spanish player na si Marañon
Handang maghintay ang Philippine Football Federation (PPF) sa naturalization ng Spanish striker na si Bienvenido Marañon. Kasunod ito sa pag-apruba na naturalization ng basketball player na si Ange Kouame. Sinabi ni Nonong Araneta ang pangulo ng PPF, dahil sa COVID-19 pandemic ay nagkakaroon ng pagkaantala ng ilang mga dokumento ni Marañon. […]
-
Mandatory vaccination sa mga workers simula na sa Dec. 1 – Roque
Sisimulan na ang gagawing mandatory sa vaccination sa mga on-site employees sa public and private sectors na may sapat na supply ng bakuna sa pagpasok ng buwan ng Disyembre. Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga […]