Alas may alam din sa bantahan ng laro
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG bukas na aklat din para kay Francisco Luis (Louie) Alas ang bentahan ng laro o game fixing sa Philippine basketball.
Naging coach siya national men’s basketball team sa ilang international competition gaya ng Southeast Asian Games o SEA Games at South East Asian Basketball Association o SEABA Championship for Men, sa Philippine Basketball Association o PBA noong 2001-01 sa Mobiline/Talk ‘N Text Phone Pals at Phoenix Super LPG Fuel Masters noong 20017-2020;
National Collegiate Athletic Association o NCAA) champion tactician para sa Letran Knights at sa nabuwag nang Metrpolitan Basketball Association (MBA) para sa Manila Metrostars.
Inayunan ng magsi-57-anyos sa Oktubre 10 at tubong Quezon City ang naunang pahayag sa OD ni dating PBA player at naging bench tactician sa Maharlika Pilipinas Basketball o MPBL sa Valenzuela at NCAA sa Emilio Aguinaldo Generals na si Gerald ‘Gerry’ Esplana.
Ayon kay Alas, matagal na aniyang nauulinigan at nababalitaan niya ang iba’t-ibang klase ng bentahan ng mga laro, kasama ang point shaving noon pa mang nagsisimula pa lang siyang mag-coach hanggang sa kasalukuyan.
Ang problema nga langa aniya, wala lang napapatunayan, wala ring mga nahuhuli at mga napaparusahan.
“Actually marami na akong naririnig about it,” bulalas ni Alas kamakailan. “Very sad pero ‘di ba Sen. Manny (Emmanuel Pacquiao) sent the NBI (National Bureau of Investigation) to look for it, I guess mag-iingat na mga ‘yan and sana lahat ng team owners, coaches maging vigilant. Every may nakikita or naririnig na ganyan, I mean head on, address it right away.”
Hinirit niyang masusgpo ito ng mga awtoridad at ng mga koponan kung magtutulungan lang ang lahat.
Kinasuhan na noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Pacquiao ang 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN team na pinatalo lahat ang mga laro sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20. (REC)
-
‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa
ANG “house-to-house/person-to-person” na pangangampanya ng mga taga-suporta ng tambalang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes. Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad. […]
-
PBBM, pag-aaralan ang pagtatatag ng “PHARMA-ZONES” para mabawasan ang presyo ng mga medisina
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga health officials na pag-aralang mabuti ang pagtatatag ng tinatawag na pharmaceutical economic zones o “pharma-zones” para maibaba ang presyo ng medisina at masiguro ang episyenteng proseso ng regulasyon. Sa isinagawang sectoral meeting sa Malakanyang, araw ng Martes ukol sa pag-streamline sa drug regulatory processes […]
-
After four years, mapapanood na ang most epic primetime series… Direk MARK at buong cast ng ‘Voltes V: Legacy’, naging emosyonal
TEARS of joy ang hindi napigilang reaction ni Director Mark Reyes at ng cast ng most epic primetime series to land on Philippine television via “Voltes V: Legacy.” Paano nga naman, inabot ng four years in the making ang first-ever live action adaptation of the phenomenal Japanese ‘70s anime ‘Voltes V’ na nag-premiere […]