3 timbog sa drug buy bust sa Valenzuela
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Adan Antoni, 38, construction worker, Judy Estuaria, 49, Jose Manggay, 60, e-tric driver.
Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa lugar ng mga suspek sa Blk 36 lot 21, Northville 2, Brgy. Bignay.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Antoni at Estuaria matapos umanong bentahan ng P200 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer habang dinakip din si Manggay nang makuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 4 grams ng hinihinalng shabu na may standard drug price P27,200, buy bust money, P270 cash, cellphone at coin purse.
Kasong paglabag sa Section 5, 26 at 11 under Art II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
PBBM, balik Pinas mula sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand
NAKABALIK nang muli sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa dinaluhang pagtitipon kasama ang iba pang world leaders sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand. Nakarating ang pangulo sa Pilipinas kasama ang iba pang Philippine delegation bandang alas-10:39 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 19, 2022 […]
-
NAVOTAS, DOH, PHILHEALTH lumagda sa MOU para sa UHC INTEGRATION SITE
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Understanding sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary nito. Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOU, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director […]
-
Omicron variant nakakamatay pa rin para sa mga vulnerable, ‘di pa bakunado vs COVID-19 – expert
Pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana ang publiko na nakakamatay pa rin ang Omicron variant sa harap ng mga reports na ito raw ay less fatal kumpara sa ibang variants ng COVID-19. Ayon kay Salvana, maaring mas less deadly ang Omicron kumpara sa Delta variant pero maari pa rin […]