Petecio sisiguro ng bronze medal
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.
Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.
Makikipagbasagan ng mukha si Petecio, nagreyna noong 2019 World Boxing Championships, kay Castaneda para sa bronze medal sa ganap na alas-10 ng umaga (Manila time).
Sakaling talunin ni Petecio si Castaneda, ang bronze medalist noong 2019 Pan American Games, ay dalawang panalo pa ang kailangan niya para makamit ang ikalawang Olympic gold ng bansa.
“We will look at the videos of her fights here,” sabi ni Don Abnett, ang Australian coach ni Petecio, sa Colombian pug. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.
Umiskor si Petecio ng 3-2 panalo laban kay top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei para umabante sa quarterfinals.
Isang 5-0 pagdomina muna kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo ang inilista ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte sa round-of-32.
-
Supporters nina VP LENI at Sen. KIKO, nananawagan na idagdag si MONSOUR sa ‘Tropang Angat’ senatorial slate
NANANAWAGAN ang supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Twitter at iba pang social media channels na ipalit si Monsour Del Rosario sa nabakanteng ika-12 puwesto, dahil sa pagkatanggal kay Migz Zuburi sa opisyal na senatorial slate. Si Del Rosario ay miyembro ng ‘Partido Reporma’, ngunit kamakailan ay napukaw niya […]
-
Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea
SUPORTADO ng Estados Unidos ang serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa resupply missions nito at pagpapadala ng 200 militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas. “We share the Philippines’ concerns regarding […]
-
After na ma-divorce noong 2021… MICHELLE, ni-reveal na ikakasal for the second time
IKAKASAL for the second time si Michelle Madrigal. Sa kanyang Instagram story, nag-share ang dating aktres ng feelings niya ngayon: “Damn if you do, damn if you don’t. No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has […]