Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.
Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning coach Julius Naranjo na kaniyang nobyo.
Sinabi nito na hindi siya makaka-survive sa pandemic kung wala ang mga taong nasa likod ng kaniyang tagumpay.
Hindi aniya nito makakaya na mag-isa kaya mahalaga aniya ang tulong nila.
Nagsimulang magsanay si Diaz sa ilalim ng Chinese na si Gao bago ang tagumpay nito sa 2018 Asian Games sa Jakarta.
Si Gao ay siyang head coach ng mga babaeng National Army team ng China mula pa noong 1980.
Sinanay niya ang dalawang Olympic gold medalists na sina Zhou Lulu noong 2012 at Chen Xiexia noong 2008.
Nakilala naman nito si Filipino-Japanese weightlifter Julius Naranjo sa international tournament sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.
Humanga ito sa galing ni Hidilyn kaya nagkainterest itong isanay siya.
-
Malabon LGU, nakipagtulungan sa Cocolife para sa health insurance ng mga empleyado
SA layunin nitong mapabuti ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan, nakipagtulungan si Mayor Jeannie Sandoval at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Cocolife Insurance para magdagdag ng health insurance at mga benepisyo sa mga empleyado nito. “Alam nating mahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at […]
-
Pinay MMA fighter Zamboanga nanawagan kay Angela Lee na bakantehin ang titulo
SA kanyang Instagram, sinabi nito na dapat gawin ni Lee ang nararapat at ito ay ang pagbibitiw dahil hindi naman nito maidedepensahan ang kanyang titulo. Magugunitang inanunsiyo kamakailan ni Lee ang kanyang pagbubuntis mula sa partner na si Bruno Pucci. Sa panig ng ONE Championship na magsasagawa sila ng Women’s Atomweight Grand Prix […]
-
DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE
NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na badyet o humingi […]