• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, 2 buwan pa bago ang ‘homecoming’ sa Zamboanga

Nagpaplano na rin ang Zamboanga City para sa isang makabuluhang homecoming o pag-uwi ng Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.

 

 

Ito’y kahit aabutin pa ng dalawang buwan bago makauwi sa kanyang hometown ang tinaguriang golden girl.

 

 


Sa panayam kay Dr. Cecil Atilano, sports coordinator ng Zamboanga City at mentor ni Diaz, matapos mag-quarantine ay hindi naman nila puwedeng ipagdamot si Hidilyn lalo’t tiyak na marami ang posibleng makikipagkita sa kanya partikular sa mga private sector na sumuporta sa kanyang Olympic journey.

 

 

At dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na napatugtog ang Philippine national anthem sa Olympics, gusto nilang ipakita at iparamdam ang nationalism at patriotism sa pag-uwi ni Diaz sa lungsod.

 

 

Aniya, lahat ng mga establishment at opisina ay magsasabit ng bandera ng Pilipinas hanggang sa makauwi si Hidilyn maliban pa sa mga tarpaulin.

 

 

Sinigurado pa ni Atilano na matutuloy na ang matagal na planong pagpapatayo ng monumento ni Diaz.

 

 

Samantala, inihayag ni Rev. Fr. Jeffrey Mirasol, parish priest ng Holy Trinity at Parish-spokesperson ng Archdiocese of Zamboanga na naghahanda ang simbahan para sa pagbabalik ni Hidilyn sa hometown nito.

 

 

Aniya, mag-aalay ng thanksgiving mass kay Hidilyn kasama ng kanyang pamilya at pangungunahan ito ng bishop ng Zamboanga.

 

 

Una rito, sinabi ni Fr. Mirasol na likas na mapagpakumbaba at relihoyoso ang pamilya ni Hidilyn.

 

 

Batid nito na ang magandang katangian ng weightlifting champion ang nagdala sa kanya sa rurok ng tagumpay.

 

 

Nabatid na posibleng hindi rin magtatagal si Diaz sa Zamboanga at babalik rin ito sa Maynila.

Other News
  • PhilHealth: Membership database ‘di napasok ng ’Medusa’ cyber attack

    TINIYAK  ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang kanilang membership database ay hindi naapektuhan ng naganap na Medusa ransomware attack, na naging sanhi upang mapilitan ang ahensiya na i-shutdown muna ang kanilang online systems.       Sinabi ni PhilHealth president at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na hindi nagalaw ng hackers ang kanilang membership […]

  • Quiambao sinandalan ng DLSU

    TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.   Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.     […]

  • Aminadong ‘di madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood: Fil-Canadian na si ALEX, masuwerteng nakatrabaho si RYAN REYNOLDS

    MASUWERTE ang Filipino-Canadian actor na si Alex Mallari Jr. dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang aktor na si Ryan Reynolds sa Netflix sci-fi adventure film na The Adam Project.     Ginagampanan ni Mallari ang role ng kontrabidang si Christos at pinakita sa isang fight scene with Reynolds ang paggamit ng arnis sticks […]