JOHN LLOYD, inamin wala sa plano at ‘di pa handa nang dumating si ELIAS MODESTO
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
ANG multi-awarded, box-office actor na si John Lloyd Cruz ang naging special guest ni Karen Davila sa kanyang kauna-unahang podcast.
Diretsahan tinanong si John Lloyd, ano ang ikina-pagod niya?
“I guess I got tired of fighting for the content that I want to see like on more commercial platforms.
“Kasi, I feel like we owe it to our audiences, ‘yung we make sure na hindi namin kayo parang pauulit-ulitin. As nagma-mature kami or we’re growing as performers, siyempre you wanna take your audience with you, ‘di ba?”
Pwede rin nga raw sigurong na-burnout siya. Pero ngayon daw, kaya rin nagdesisyon siyang bumalik, gusto raw niyang ipagpatuloy ang dialogue sa content na sinasabi niya. At na-realize niya rin na wala rin mangyayari kung mamumundok lang siya.
Inamin din ni John Lloyd na hindi niya plinano ang pagiging tatay. Na hindi pa siya handang maging ama nang dumating sa buhay niya ang anak na si Elias Modesto.
“Tingin ko, isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it, well, I’m don’t. Kasi nga, we like to believe that we’re in control. We like that idea na it’s my plan. Plinano ko ‘yan.
“It took me a while bago ko natanggap na akala ko ginusto ko, akala ko plinano ko, but in reality, especially ngayon after ng tatlong taon, iba e, hindi.”
Sey niya rin, “And it’s humbling, kasi, talaga, plinano mo? Paano mo na-plano ‘yung gano’ng bagay? It’s beyond word. Being a father and specially noong lumabas siya, there’s no way na merong tao na na-plano ‘yung gano’n. Gano’ng ka-weird at ka-radical na bagay.
“That’s a life, buhay ang lumabas because of your responsibility.”
Hindi naman daw siya natakot sa responsibilidad ng pagiging ama. At para raw sa actor, ang anak daw niya ang pinaka-“fascinating thing” sa buhay niya ngayon.
“I’m learning from him, I’m learning about him. Ang galing, e.”
***
EXPECTED naman na siguro na among the Kapuso stars, si Sanya Lopez ay siguradong ire-renew ang network contract ng GMA-7.
Masaya nga si Sanya na muli siyang pumirma ng kontrata bilang isang Kapuso. At sa ginanap na online mediacon niya, sinabi nitong kahit na ang daming nagsasabi na siya na ang isa sa important star ng Kapuso network ngayon, hindi niya raw ‘yun iniisip at gusto niya, same pa rin siya kung ano siya dati dahil ayaw niya raw na ikalaki ng ulo niya.
Nang tanungin ito kung ano ang masasabi niya nga na kabilang na siya sa mga A list star ng network o biggest star, sey niya, “Parang hindi pa po. Ang dami ko pa pong kailangang gawin. Parang ibang level na po ‘yun.”
Nag-react din si Sanya sa sinasabing siya ang next Marian Rivera ng GMA at gusto silang makita ng mga fan na magkasama sa isang serye.
“Yun pong sinasabi na next Marian Rivera, napakarami pong ginawa ni Ate Yan Yan, Ms. Marian Rivera para sumunod po sa kanya. Ang dami ko pa pong kailangang patunayan bago po masabi ‘yun at makapunta at makasunod sa yapak ni Ms. Marian Rivera.
“Sobrang galing po ni Ms. Marian, siya lang po talaga, reyna po talaga.”
At excited daw siya kung makakasama nga niya ito sa isang project.
“Sobrang excited po ako kung makakasama ko siya sa isang project. Gustong-gusto ko rin po ‘yun at pangarap ko rin po na makasama si ate Yan.”
At dahil nga ang First Yaya ang talagang nagpasikat kay Sanya, wish daw niya na sana, ang susunod niyang serye ay romcom pa rin.
(ROSE GARCIA)
-
Pamamahagi ng cash incentives sa mga nagtapos sa public school sa Navotas
BINISITA ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga nagtapos ngayon taon sa mga pampublikong paaralan, bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary. Nasa 5,008 Grade 6 at 2,276 Grade 12 ang kumpletong nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants noong June […]
-
Ads November 5, 2020
-
Fil-Canadian tennis player Leyla Fernandez tiniyak ang malakas na pagbabalik sa US Open
Umaasa si Filipino-Canadian tennis player Leyla Fernandez na magtatagumpay na sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro sa US Open. Ito ay matapos na mabigo siya kay Emma Raducanu sa finals ng US Open. Ikinumpara pa ng 19-anyos na si Fernandez ang sarili sa New York na matapos ang 20 taon na September […]