• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, higit na pinaigting ang contact tracing kasabay ng pagpasok ng Delta variant sa lalawigan

LUNGSOD NG MALOLOS– Higit na pinaigting ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 ang contact tracing at pinahigpit ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy upang maiwasan ang lalong pagkalat ng mga kaso ng COVID lalo na ngayon na pumasok na sa lalawigan ang mas nakakahawang variant ng virus.

 

 

Kinumpirma ni Gobernador Daniel R. Fernando na dalawang kaso ng COVID Delta variant ang nakapasok sa Bulacan, isa sa San Ildefonso at isa sa Santa Maria, sa ginanap na Damayang Filipino Blood Letting Program sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.

 

 

Ayon sa gobernador, magaling na ang asymptomatic na kaso sa San Ildefonso, habang sumasailalim pa sa quarantine ang isa pa mula sa Santa Maria.

 

 

Hinikayat niya ang mga Bulakenyo na patuloy na sumunod sa standard health protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapatupad ng social distancing at madalas na paghuhugas ng kamay dahil ang mga ito ang napatunayang epektibong paraan upang makaiwas sa pagkakahawa ng anumang variant ng virus.

 

 

Bago pa ito, kahit wala pang naitatalang kaso ng Delta variant, nailatag na ang mga nabanggit na aksyon ni PTF Response Cluster Head Dr. Hjordis Marushka Celis sa ginanap na PTF Meeting noong Biyernes, Hulyo 23, 2021 upang ihanda ang lalawigan sa posibleng pagtaas ng kaso dahil sa bagong variant.

 

 

Kahapon, ang Bulacan ay mayroong 1,687 kabuuang aktibong kaso ng COVID, 41,272 paggaling, at 938 na pagkamatay.

Other News
  • Salary increase ng government workers, suportado ni Bong Go

      IKINATUWA ni Senator Christopher “Bong” Go ang Executive Order No. 64 na inilabas ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-uutos ng umento sa sahod at karagdagang allowance para sa mga manggagawa sa gobyerno.     “Ipinaglaban po natin ito kaya masaya tayo at nari­nig ang ating suhestiyon. Ito ay isang malaking hakbang patungo sa […]

  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]

  • Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA

    NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas.     Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa […]