• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Checkpoint sa NCR plus borders inilarga na

Inianunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsimula na kahapon ng istriktong pagpapatupad ng “NCR Plus travel bubble” kasabay ng pagtukoy kung sinu-sinong indibiduwal lamang ang papayagang makalusot o makadaan dito.

 

 

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, nagtayo sila ng mga Qua­rantine Control Points (QCPs) na binabantayan ng mga tauhan ng Phi­lippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga borders ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

 

 

Ito ay alinsunod sa IATF Resolution No. 130-A na nagsasailalim at nagdaragdag ng heightened restrictions sa National Capital Region (NCR) Plus area, bago ito tuluyang isailalim muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Agosto 6.

 

 

“At the moment, the QCPs are at the borders of Bulacan, Rizal, Laguna and Cavite with adjoining provinces but once we move to ECQ starting August 6, checkpoints will now be loca­ted inside Metro Manila,” pahayag ni Año.

 

 

Maaari rin aniyang maglagay ang PNP ng mga regular checkpoints sa loob ng NCR Plus bubble upang magpatupad ng curfew hours, minimum health stan­dards, at para sa general law enforcement.

Other News
  • KC, masayang-masaya na personal nang makita ang amang si Gabby

    SIMULA pala nang matuto nang magdirek si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, naging dream na niyang maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya.   Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa […]

  • Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

    NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.     “There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The […]

  • PNP may sinusunod na ‘formula’ sa pagtala ng crowd estimate sa mga campaign rally

    AMINADO  ang Philippine National Police (PNP) na hindi nagtutugma ang kanilang crowd estimate sa mga organizer ng campaign rally.     Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, may ginagamit na ibang guidelines o formula ang PNP sa bilang ng mga tao sa mga venue.     Paliwanag ni Carlos, 2 persons per square […]