• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 REHIYON MAY DELTA VARIANT NA

SIYAM  na rehiyon na ang nakikitaan ng presensya ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

 

Sa Townhall session ng DOH, sinabi  ni Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na natukoy ang local cases ng Delta variant sa ilang mga rehiyon .

 

Kabilang  dito ang Ilocos  na may 5 kaso, Central Visayas, 32; Northern Mindanao, 14; National Capital Region, 46; Central Luzon, 20; Western Visayas, 5; CALABARZON, 28; Eastern Visayas,10 at Davao na mayroon na ring 4 na kaso ng Delta variant ng COVID-19.

 

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 216 Delta variant cases  kung saan 48 rito ay mga Overseas Returning Filipinos o ORFs, habang kinokonsiderang local cases naman ang iba pa.

 

Bagamat wala pang ebidensya, sinabi ng eksperto na mabuting ipagpalagay nang may community transmission upang maiwasan ang mas malaking epekto nito.

 

“All indicators are sayong that cases are rising.And so we really need to act now, we need to work strategically  to prevent the negative impact of Delta”, ani De Guzman. GENE ADSUARA

Other News
  • PDu30, “consistent” sa pagpapatupad ng polisiya na nagsusulong sa karapatang-pantao –Medialdea

    CONSISTENT si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagpapatupad ng mga polisiya na nagsusulong sa karapatang-pantao.   Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pagdiriwang ng International Human Rights Day.   Tinukoy ni Medialdea ang pagpapasa ng batas gaya ng Free College Education, Universal Healthcare Program, at maging ang infrastructure program, cash aid sa […]

  • Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa

    NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw.       Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term […]

  • Japan ipinagmalaki ang mabisang gamot laban sa COVID-19

    IPINAGMALAKI ng kumpanyang Shionogi & Co Ltd. sa Japan na mayroong mabilis na epekto ang kanilang gamot laban sa COVID-19.     Ayon sa datus ng Japanese drug maker na mabilis nitong pinapagaling ang mga nagpositibo sa COVID-19.     Patuloy na ini-evaluate ng mga Japanese regulators ang nasabing S-217622 pill ng nasabing kumpanya.   […]