• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 arestado sa sugal at shabu sa Malabon

Arestado ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Joel Mahusay, 43, (user), Benjamin Dela Cruz, 22, garbage trader, Jean Rose Almonte, 21, Elsie Soriano, 18, Joan Mangaring, 39, garbage trader at Marita Mijares, 41, garbage trader.

 

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity na kilala bilang “Lucky Nine” sa Estrella St., Brgy. Tañong.

 

 

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PSSg Mitchum Caoy sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Zoilo Arquillo saka nakipag-coordinate sa mga tauhan ng Sub-Station 6 sa pamumuno ni PLT Rommel Adrias.

 

 

Matapos nito, isinagawa ng pinagsanib na mga tauhan ng SIS at SS6 ang joint operation sa naturang lugar dakong alas-10:15 ng umaga na nagresulta sa pagkakaasto sa mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang deck ng cards at P1,130 bet money habang narekober naman kay Mahusay ang 3 plastic sachets na naglalaman ng himigit-kumulang sa 2.37 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P16,116.00. (Richard Mesa)

Other News
  • Matibay na pagkakaibigan ng Pinas at China, binigyang diin ni PBBM sa ginanap na ground -breaking ceremony Samal Island-Davao City Connector bridge project

    IBINIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tibay ng bilateral relations sa pagitan  ng Pilipinas at  China.     Sa isinagawang ground -breaking ceremony  sa Samal Island-Davao City Connector bridge project, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nasabing proyekto ay isang patunay ng magandang relasyon ng dalawang bansa.     Sa naging talumpati ng […]

  • Josh Hutcherson Tackles Darkness and Animatronic Terror in “Five Nights at Freddy’s”

    Josh Hutcherson tackles darkness and animatronic terror in “Five Nights at Freddy’s.” Dive deep into the suspense, with a touch of Jim Henson magic, hitting cinemas November 1. FROM the global box-office hit “Hunger Games,” Josh Hutcherson stars in Five Nights at Freddy’s, a thrilling survival movie as he takes on the role of Mike, an […]

  • Bill vs no exam sa mga estudyante na‘di bayad tuition, pasado na sa Kamara

    PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagbabawal sa mga paaralan na payagan ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs) na kumuha ng pagsusulit kahit hindi pa bayad ang tuition fees o matrikula.     Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o […]