• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.

 

Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa COVID-19.

 

“Pero ‘yung sanggol po na ‘yun na-admit sa ospital, actually ang reason  na nai-refer samin ay mayroon po siyang abnormality sa puso and napakabilis ng pagtibok ng puso at nung plano naming gamutin yun at tinesting po yung baby eh may COVID kaya siya po ay nadala sa COVID ward” ayon pa sa tagapagsalita ng PGH.

 

Ayon pa kay del Rosario may iba pang mga batang pasyente sa PGH  na may COVID  noong nagsisinula ang pandemic ngunit  mas kumplikado aniya ngayon dahil  ang iba ay matindi ang kanilang COVID pneumonia na nakuha at iba pang kumplikasyon.

 

Mayroon din aniya silang pasyente na may sakit na tinatamaan din ng COVID-19.

 

Sa ngayon, hindi pa aniya natatanggap ng PGH ang  genome sequencing results ng mga bata .

 

Nauna nang inihayag ng ospital na mayroon nang 21 Delta cases .

 

Plano naman ng PGH na magdagdag pa ng apat na kama para sa pedia coronovirus ward.

 

“Hindi naman po kami nananakot na laganap na ang COVID sa mga bata. Ang sinasabi lang po namin ay nagkaka-COVID po ang ating mga anak kaya kailangan nating mag-ingat,” he said.

 

“The hospital’s intensive care unit (ICU) for adults is full, while 153 out of 225 beds are available,” ayon pa kay del Rosario.

 

“Ang challenge lang po kung severe or critical ‘yun po ang medyo challenging dahil sa adult po puno ang ICU,” dagdag pa nito. (GENE ADSUARA)

Other News
  • De Lima binanatan ‘wasak’ na katarungan sa bansa sa ika-2,000 araw sa selda

    UMABOT  na sa 2,000 araw sa pagkakabilanggo si dating Sen. Leila de Lima matapos arestuhin sa patung-patong na drug charges sa kabila ng pagbaliktad ng mga tumestigo laban sa kanya — dahilan para tawagin niyang “broken” ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.     Kilalang kritiko ng extrajudicial killings at human rights violations sa ilalim […]

  • BLACK DIABLOS RISE IN FIRST ‘MONSTER HUNTER’ TEASER TRAILER

    FANS of the ‘Monster Hunter’ game franchise will be hyped by this teaser!   She’s found her prey. Watch out for the Black Diablo in the first tease for Columbia Pictures’ upcoming fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon. https://www.youtube.com/watchv=wnHSjV1c0Ss&feature=emb_logo   Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written […]

  • Huling collab nila ang music video na ’Tala’… SARAH, hindi pa rin nakakausap si GEORCELLE

    INAMIN ng dance teacher and choreographer Georcelle Dapat-Sy na hindi pa sila nagkakausap ulit ni Sarah Geronimo.     Ayon sa founder ng G-Force: “No, we have not. You know, I’ve done a lot of collaborations with Sarah Geronimo, and those are treasured collaborations. I am very thankful. I am very blessed for all the […]