• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayuda sa Metro Manila sisimulan na – DILG

Posible umanong nasimulan na noong Biyernes ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente sa Metro Manila na maaapektuhan ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na ipatutupad ng pamahalaan sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

 

 

“Siguro pagpatak ng ating ECQ pilitin nating masimulan na yan,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

 

 

Una nang sinabi ng Malacañang na aabot sa 13 milyong katao sa National Capital Region (NCR) ang mapapasailalim sa ECQ na ipatutupad simula Agosto 6 hanggang 20.

 

 

Aabot anila sa 10.7 milyong residente ang makakakuha ng tig-P1,000 bawat isa na cash assistance o maximum na apat na miyembro para sa bawat pamilya o P4,000.

 

 

Sinabi ni Año na aabot sa P11.2 bilyong halaga ng ayuda ang ilalaan bilang tulong pinansiyal sa mga mamamayan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Libreng bakuna laban sa Covid-19 na ibibigay ng LGUs, welcome sa Malakanyang

    WELCOME sa Malakanyang ang ikinakasa ng pamahalaang lokal ng Maynila, Makati, Pasig, Valenzuela, Navotas at Paranaque na pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangangahulugan lamang na maraming budget para bumili ng vaccine.   “Well, unang-una .. lahat po ng transaksyon sa mga manufacturer will be government to […]

  • Bansang Vietnam, mahalagang partner ng Pilipinas pagdating sa rice imports at para masiguro ang food security – PBBM

    NANGAKO  ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lider ng Vietnam na sinasabi niyang mahalang partner para masiguro ang food security sa bansa.     Ito ang naging pahayag ng Pangulong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnamese Prime Minister na si Pham Minh Chinh sa sidelines ng 40th at 41st […]

  • Ads February 14, 2022